​Kwentaxi by Juana C: Uber na kayo ha?


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she goes through a series of unfortunate incidents with Uber drivers.

Dahil na rin siguro sa edades ko, na-forget ko na cashless transaction nga pala ang Uber. Ayayay. Eto: May show ang grupong Magtanggol Liberacion nung Miyerkules sa De La Salle Zobel (na nasa Ayala Alabang). Kaya naman nung Martes ay duon na ang rehearsal kaya kinailangan kong mag-book ng ride.

Pagdating ng toll, dumukot ako at nagbayad ng PHP164. Pero kung nakalimot ako, yung Uber driver ko sana, na higit na nakaka-alam, ay inawat man lang ako nung nagbabayad ako di ba? But no, silence! Masakit ang PHP165 na toll fee sa bulsa ha! At boom, PHP496 ang bill ko ayon sa text na natanggap ko from Citibank. PHP661 pesoses!@$?! Parang sa Baguio na ako pumunta?

Cut to: Kinabukasan, show na. I have to be at the theater by 7am. May I book na naman ang lola. And in fairness to Uber, laging mabilis ang booking. Dito nila talo ang Grab. Eto na, nakitang sa De La salle Zobel na nasa Muntinlupa ang aking destination, nagkamot ng ulo. E-emote si kuya, I am sure, sa loob-loob ko pa lang. At boom: “Sorry po ma’am pero wala na pong PHP100 ang pera ko. Nakailang-balik na ho kasi ako sa Skyway.” OMG! “Eh papano na kuya?” tanong ko. “Kuya, nangyari na ito sa akin kahapon, ayoko nang maulit.”

“Sorry po talaga,” ang maayos niyang sagot. Inis man, ano pa nga ba eh di bumaba ako at nag-book ulit. With parting words siyempre, “Next time kuya, dagdagan mo ang baon mo ha? Laking sagabal sa oras. Ang kinompute ko lang kasi sa oras ng biyahe ko ay yung trapik eh. Hindi ko naisama yung walang pang toll fee ang driver.”

Cut to: Dumating ang bagong kuya. “Let us go kuya, male-late na po ako kaya konting paspas,” say ko. At buti naman hindi nagkamot si kuya. Go go go na ito. Kaso, hmmmm, wa move. Bakit naman kaya? May I look worried pagsipat ko ng fez nya sa mirror. “Kuya, hello,” say ko. Finally, kumibo si kuya, “Ma’am Metro Manila pa ba ang pupuntahan natin? Sa Skyway ba tayo dadaan?” Yes at yes ang sagot ko kay kuya. And besides, am sure tiningnan nya ang destination.

“Sinabi ko naman sa operator ko na dapat may extra siyang binibigay para sa mga panahong ganito eh. PHP40 na lang ho talaga ang pera ko ma’am,” ang say ni kuya. Sa mangiyak-ngiyak kong voice, “Kuya, kaya ako napunta sa iyo kasi yung nauna sa iyo wala ring pambayad sa toll fee. Anuveh. Wala na nga akong jowa, wala pa rin akong swerte sa driver? Lord, anong kaguluhan ito? Hindi ka busy? May time kang bigyan ako ng pagkadami-daming challenges pasado alas seis pa lang ng morning?”

Dahil kapus na kapos na sa oras, hindi ko na pinalitan pang muli si kuya. Ayokong ma-late sa call ko. Pwes, tiis pa more at dukot pa more!

Pero kung akala niyo eh tinantanan na ako ni Lord sa pagsubok, hold your horses ok? Eto!

Ramdam kong wala kami pareho ni kuya sa mood chumika kaya nagbasa na lang ako ng news. Biglang may quick and weird turn si kuya. Yung parang nagbago ng isip sa gitna ng action. Break the silence time.

JC: Kuya, saan ka pupunta?

Bago pa makasagot sa akin, isa sa isang kulumpon ng mga MMDA ang pumara kay kuya. Pasok MMDA.

MMDA: Sir, hindi niyo ba nakita yung sign? Ayun oh! No U-turn sir. (Inulit pa.) Ayun oh!

Nagkamot ng ulo si mamang driver. I am beginning to hate this kamot ulo thing ha.

Uber driver: Eh, sir pasensya na po kayo.
MMDA: Sir, paano ba yan? Patingin nga ho ng lisensya niyo.
UD: Sir, wag naman sir. Sorry po. Sorry po talaga!
MMDA: Ang laki-laki naman ng sign sir. Hindi niyo nakita?
UD: Sir, pasensya na po. Kasi sir, itong si ma’am (referring to me) pinapahatid ni sir sa appointment niya.

Nanlaki ang mata ko at this point. BP rising. I can feel it.

MMDA: Ni sir? Sinong sir? Akin na ang lisensya mo.
UD: Opo, si sir ho ang nag-utos. (At nagbigay ng pangalan na hindi ko malala ngayon, sabay abot ng lisensya niya.)
JC: (To driver) Ano kamo kuya?
(To MMDA) Sir, Uber driver ho ang sinungaling na mamang yan na ginamit pa ako para makalusot sa ginawa niyang pag U-turn sa no U-turn sign.
(To driver) Ang kapal kapal kapal ng fez mo kuya. (At pagkalakas-lakas akong sumigaw.)
(To MMDA)
Hulihin niyo yan, now na! (At umexit si kuyang MMDA dala ang lisensya ni kuya. Sabay itinaas pa talaga ang kamay ni Uber driver papunta sa mukha ko para patahimikin ako. Na lalo kong ikinagigil.)
UD: (Sa mababang maamong boses.) Ma’am teka. Teka muna. Ako na bahala dito.
JC: (Sa dumadagundong kong boses.) Kuya ang kapal naman ng mukha mo. Kaya mong magsinungaling sa MMDA at sa akin ng harapan na parang wala lang? Na parang wala lang talaga? At ine-expect mong maunawaaan kita? Ha? Bastusan na.

At ang bilis na bumalik ng mamang MMDA.

MMDA: Kuya, o, eto na ang lisensya mo. Sa susunod ingat ka ha? Sabay mabilis na umalis ang MMDA. Wala lang.
JC: Jesus Christ superstar! Ang lakas ata ng pangalang binitawan mo. (O, nakapagsingit siya ng pera sa MMDA na hindi ko namalayan.) Anong kagaguhan yung ginawa mo?
UD: Yun ang turo ng amo ko na gawin ko pag may humuli sa akin.
JC: Ano yung binigay mong pangalan sa MMDA? 
UD: Hindi ko na ho maalala eh.
JC: Ano? Yan ang turo ng operator mong gagawin mo pag nahuli ka?
UD: (Mukhang nagulat sa sinabi niya.) Ah hindi! Yung dati ko pang amo nagturo nun. Hindi yung ngayon.

Hindi ba k-p-l lang talaga si kuya? Siyempre hindi niya ibibigay sa akin ang pangalan. At siyempre nakalimutan kong tandaan ang sinabi niyang pangalan at tingnan ang nameplate ng MMDA na nagpalusot sa kanya. Ang tanga-tanga koooooo! Ang hirap pagsabayin ang hinahon at galit.

Galit sa hayup na Uber driver at MMDA at hinahon para makinig at magtanda ng mga pangalan at kumuha ng mga litrato. I hate myself!

Kaya sa nalalabing panahon ko sa kotseng yun, kinuha ko ang aking telepono at sinimplehan ko ang walanghiyang hayup na UBER driver na yun. Wish ko lang na mabasa ito ng mga taga Uber at MMDA at sana ma-aksyunan. Para ano pa ba ang pagpuna kung wala siyang mababagong sistema o mga tao. Ang gusto nating baguhin, dapat, kaya nating banggain.

Let this story serve as a babala sa lahat ng Uber riders. While karamihan sa kanila ay matino, may mga gago ring driver at operator. Eto, eto ang mukha ni mamang sinungaling na hindi sumunod sa batas trapiko. Tandaan niyo ang mukhang yan! And his name is Belvar! At one star lang ang rating niya!

Kwentaxi complains about Uber Driver

The author has filed a complaint with Uber about these incidents — which occurred last week — and is still waiting for the company’s reply.

Subscribe to The Coconuts Podcast

Leave a Reply

Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on
MOST POPULAR