Taxi bumaliktad sa EDSA, 2 sugatan


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


Dalawa ang sugatan matapos bumaliktad ang isang MGE taxi na may plakang UVF 262 sa gitna ng EDSA-Mandaluyong southbound pasado ala una ng madaling araw nitong Lunes.

Mabilis namang naisugod sa ospital ang driver na kinilalang si Bernal Bernardo at tatlong babaeng pasahero na patungo pala sa airport para umuwi sa Bukidnon.

Kwento ng isang testigo, sumampa sa road center island ang taxi kaya ito bumaligtad.

Sugatan si Bernardo, habang may mga galos din ang isa niyang pasahero na tumanggi nang humarap sa camera.

Inabot ng higit isang oras bago naialis ang bumaliktad na taxi na nagdulot naman ng pagbagal sa daloy ng trapiko. (Umagang Kay Ganda — Apr 13, 2015)

This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on