Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.
BATANGAS – Nadiskubre ng mga pulis ang taniman ng marijuana sa isang liblib na lugar sa Lemery, Batangas.
Inabutan ng mga pulis sa Sitio Ayamitan sa Barangay Mayasang ang taniman. Nakumpiska ang 18 full grown na marijuana plants.
Sa katabing bahay, nakuha naman ang mga pinatuyong dahon at mga binhi.
Aminado naman ang may-ari ng bahay na si Florencio Babacal na gumagamit at nagbebenta siya ng marijuana.
Dinala na sa crime lab ang mga nasamsam na tinatayang may market value na PHP30,000.
Makikipagtulungan naman ang barangay para tukuyin kung may iba pang tanim na marijuana sa kanilang nasasakupan (ABS-CBN Umagang Kay Ganda – Mar 25 2015)
This story was re-published with permission from ABS-CBNnews.com.
