SUV bumangga sa concrete barrier sa Quiapo, driver ginawang dahilan ang nahulog na cellphone


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


Paalala sa motorista: ituon ang pansin sa daan habang nagmamaneho para iwas-disgrasya. Sa Quiapo, Manila, sugatan ang isang lalaki nang banggain ng minamaneho niyang SUV ang hilera ng mga concrete barrier kaninang madaling araw.

Sa tindi ng pagkakabangga, natanggal pa ang gulong sa kanang harapan ng sasakyan.

Tumagilid pa umano ang SUV pero pinagtulungang itayo ng mga nakakakita para makalabas ang driver na si Shyrel Al-Ag.

Kuwento ni Al-Ag, nahulog ang kanyang cellphone habang nagmamaneho kaya hindi napansin at nabulaga sa mga concrete barrier.

Itinanggi naman niyang siya’y nakainom.

“Mahina lang talaga yung takbo ko.. Wala kasi silang ilaw e, yung safety ba,” aniya.

Nagdulot naman ng bahagyang pagsisikip sa daloy ng trapiko ang aksidente. Kakasuhan ng reckless imprudence resulting in damage to property ang driver.

This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on