Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.
Napadpad ang isang sunfish o isdang mola-mola sa tabing-dagat sa Cabadbaran City sa Agusan del Norte.
Papalaot na sana ang mangingisdang si Mang Rolly nang mapansin niyang may ingay sa tabing-dagat.
Dito niya napansin ang isdang mola-mola na pinipilit na makabalik sa dagat.
May bigat na 80 hanggang 100 kilo ang nakita nilang isdang mola-mola.
Posible daw na climate change ang dahilan kaya napadpad doon ang isdang sunfish.
Bagamat wala pa sa listahan ng mga endangered species ang isdang ito, mahigpit namang ipinagbabawal ang pagkatay o pagkain nito dahil may lason ito.
Matagumpay namang nakabalik sa karagatan ang isda. (Umagang Kay Ganda, May 21, 2015)
This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.
