Sapul sa CCTV: Pulis, nanapak ng sibilyan

Nakuhanan ng CCTV ang pananapak ng isang pulis sa isang lalaki sa Tondo, Manila.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 82, angkas pa ng biktimang si Jonathan Dinisio ang dalawang anak sa motor nang bigla silang harangin ng kinilalang si PO1 Mark Gonzales.

Dito na pinagsasapak ng pulis si Dinisio.

Sinubukang kunin ang panig ng pulis, pero hindi na ito matagpuan sa police station pati na rin sa kanyang bahay.

Nakasampa na sa general assignment section ang reklamo laban sa pulis. (ABS-CBN Umagang Kay Ganda – March 23, 2015)

This story was re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on