Sapul sa CCTV: ‘Baklas Side Mirror’ Gang member in action sa QC


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


Umatake ang binansagang “Baklas Side Mirror” Gang sa Quezon City. Nakuhanan ng CCTV camera ang pangyayari.

Sa kuhang ng CCTV, makikita ang isang lalaki na naglalakad palapit sa isang kotse na naka-garahe sa tabi ng kalsada sa G. Roxas Street sa Barangay Manresa.

Maya-maya pa, sing bilis ng pitik, natanggal na niya ang side mirror ng nasabing kotse. Umikot pa ito at kinuha naman ang kabilang side mirror.

Kuha ito noong March 24 sa isang bahay sa nasabing lugar. Buwan naman ng Abril, sa parehong lugar at may-ari ng kotse natangay naman ang side mirror ng kanilang SUV.

Sa pagkakatong ito, mas matagal bago natanggal ang nasabing salamin.

Noong nakaraang Lunes lang, May 25, bagamat hindi na nakuhanan ng CCTV, logo naman ng kanilang sasakyan ang tinira ng mga kawatan.

Dagdag pa ng biktima, madalang nila makita ang mga tanod ng barangay na rumoronda sa lugar kaya raw siguro malakas ang loob ng mga kawatan.

Depensa naman ng mga opisyal ng barangay, iniikot nila ang nasabing kalye pero pakiusap nila sa mga residente na mag-doble ingat din.

Dahil sa nangyari, mas paiigtingin pa ng barangay ang kanilang pagroronda lalo na kapag gabi. (Umagang Kay Ganda, May 27, 2015)

This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on