Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.
MANILA – Pinaghahanap na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang pulis na suspek sa pagpatay dahil sa away-trapiko.
Sa kuha ng CCTV madaling araw ng February 28, magkabuntot at hinahabol ng isang Toyota Corona ang isang Tamaraw FX sa kahabaan ng Judge Jimenez Street sa Quezon City.
Ilang oras lang, nakitang wasak at may tama ng mga bala ang salamin ng kotse.
Dead on the spot dahil sa tama ng bala ang driver na kinilalang si Michael Martinez, isang empleyado ng QC City Hall.
Ayon sa mga testigo, nagkagirian ang dalawang sasakyan kaya nagkahabulan.
Pagsapit sa dulong bahagi ng Judge Jimenez Street, nagpang-abot umano ang dalawang sasakyan.
Kinilala ang driver ng Tamaraw FX na si PO1 Joe-nel Bayubay ng QCPD Station 10.
Hawak na ngayon ng mga otoridad ang testigo sa insidente.
Ayon sa hepe ni Bayubay, itinuturing siyang absent without leave (AWOL) dahil halos dalawang linggo na siyang hindi nagpapakita sa kanila.
Sinadya naman ng news team ang bahay ni Bayubay. Pero ayon sa kaniyang hipag, wala na siya roon.
Isinampa na ang kasong murder laban sa kanya. (Umagang Kay Ganda – Mar 19, 2015)
This story was re-published with permission from ABS-CBNnews.com.
