Mag-live in, patay sa pamamaril sa Malabon City


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


MANILA – Patay sa pamamaril ang mag-live in partners sa isang bahay sa Barangay Maysilo, Malabon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Ignacio Recto alyas Boy at ang kanyang kinakasamang si Norma Villanueva.

Ayon sa kasambahay ng mga biktima na witness umano sa insidente, namamalantsa siya sa sala ng bahay nang may dumating na tatlong bisita—isang babae at dalawang lalaki.

Pinapasok pa umano ito ng mga biktima sa bahay at pinatuloy sa kwarto sa ikalawang palapag. Maya-maya pa, inutusan daw ni Villanueva ang anak nito na si Toto na bumili ng litson manok.

Sumunod kay Toto ang isa sa mga bisitang lalaki at lumabas ng bahay. Hindi na nakita ng kasambahay na bumalik ang nasabing lalaki.

Ilang minuto ang nakalipas, bumaba na raw si Villanueva sa kasama ang babaeng bisita at isa pang lalaking bisita para ihatid ang mga ito sa labas.

Pero hindi raw nagtagal, nakarinig ng sunod-sunod na putok ang kasambahay mula sa ikalawang palag at sa labas ng bahay nila.

Nakita na lang ang patay na si Recto sa kwarto nito at si Villanueva naman sa labas ng bahay.

Hindi naman kumbinsido ang mga pulis sa kwentong ito ng kasambahay, kaya kasalukuyan silang nagsasagawa ng follow-up investigation sa ngayon. (Umagang Kay Ganda)

This story was re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on