Lalaking nakasuot ng t-shirt ng pulis, nang-holdap sa QC


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


MANILA — Hinoldap ang mga customer ng isang kainan sa Barangay Sacred Heart, Quezon City kaninang madaling araw ng isang lalaki na nakasuot pa ng t-shirt ng pulis.

Kampante pa umano ang mga biktima nang dumating ang suspek.

Hindi umano sila nagduda dahil nag-order ang lalaki at inakala nila na customer din tulad nila.

Nakasuot pa umano ang lalaki ng t-shirt ng pulis, pero naka-shorts at naka-sumbrero.

Pagkatapos ng insidente, sumakay daw ang lalaki sa kulay dark blue na kotse na may plakang PKO 601.

Natangay ang tatlong cellphone, mga wallet at I.D ng mga biktima.

Wala namang nakuha sa kainan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at titingnan din ang cctv ng kainan pati na ng barangay. (ABS-CBN Umagang Kay Ganda — Mar 26, 2015)

This story was re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on