Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.
Patay ang isang lalaki nang barilin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Quezon City.
Pinagbabaril sa loob ng bahay nito habang nanonood ng basketball si Joel Morada, 32 taong gulang at dating jeepney driver.
Nilapitan daw ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima saka binaril ng malapitan sa mukha. Sa kabutihang palad, hindi nadamay ang live in partner nito at mga anak na katabi lang ng biktima nang mangyari ang pamamaril.
Sa paunang impormasyon ng pulisya, mainitin ang ulo, maraming kaaway at labas masok na raw sa presinto ang biktima. Kamakailan lang, may nakaaway daw ito na umanoy binantaan pa siya.
Itinanggi naman ng umano’y nakaaway ng biktima na may kinalaman siya sa krimen.
Pinaghahanap na ngayon ang suspek na nakasuot ng brown na jacket, may helmet, may panyo sa bibig at nakasakay sa motorsiklo. (Umagang Kay Ganda – Apr 30, 2015)
This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.
