Kuha sa CCTV: Lalaki nanutok ng baril para pigilan ang 2 na nag-aaway sa may Santolan flyover


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


Nakunan sa CCTV camera ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  Metrobase ang dalawang driver na nagkasagian at nagkainitan sa Santolan flyover bandang alas-3 ng hapon noong Abril 24, 2015. Nagkagirian ang driver ng kotse at driver ng taxi. Sila ay nagsuntukan. Natigil lang ang iringan nila nang tutukan ng baril ng isang driver ng UV Express. Sinubukang alamin ng ABS-CBN News kung sino ang may-ari  ng UV Express sa pamamagitan ng nakitang license plate number nito na nakita sa CCTV. Ngunit wala raw itong record sa Land Transportation Office (LTO) ang nasabing UV Express. (TV Patrol, Abril 28, 201)

This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on