Kilalanin: ‘Snake people’ sa Benguet


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


BENGUET – Usap-usapan sa Bokod, Benguet ang isang tribo doon na binansagang ‘snake people.’

Sa Barangay Karao sa Benguet, nakatira ang tribong Karao na binansagang ‘snake people.’ Kaibigan at nakakausap daw kasi nila ang mga ahas.

Pinaniniwalaan ding nakakagamot ng kagat ng ahas ang kanilang laway at mga dasal.

Nagsimula umano ang pagkakaibigan ng tribo at mga ahas nang magpakita ng kabaitan ang ninuno ng tribo sa mga ahas.

Noong panahon raw, nagkaroon ng sunog sa bundok at namatay ang mga ahas.

Isang taga-Karao ang pumunta sa bundok at umiyak nang makita ang patay na ahas. Inilibing niya ito.

Mula daw noon, basta sabihing taga-Karao ay hindi ka kakagatin ng ahas.

Ayon sa mga eksperto, nirerespeto nila ang paniniwala at kaugalian ng tribong Karao, pero mainam paring magpakonsulta sa doktor kapag nakagat ng ahas. (ABS-CBN Umagang Kay Ganda – Mar 26, 2015)

This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on