Junjun Binay, hindi ka nag-iisa: Iligan City Mayor Celso Regencia nakaka-relate sa ‘yo


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


Noong Biyernes, Marso 27, sumiklab ang tensyon sa Iligan City Hall nang dinala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspension order laban kay Iligan City Mayor Celso Regencia. Nagkagirian ang riot police at mga taga-suporta ni Mayor.

Sinususpinde ng Ombudsman si Regencia para sa kasong “abuse of authority” dahil nag-issue s’ya ng memo noong 2014 na pinagbabawalang i-process ang sweldo ng job order employees. Sabi ni Regencia, ginawa n’ya ito para mawala ang mga ghost employees.

Samantala si Vice Mayor Ruderic C. Marzo ay nanumpa na bilang acting mayor ng Iligan City.

Si Regencia ay kabilang ng partidong National Unity Party, habang si Marzo naman ay taga-Liberal Party. Ang mga taong sumusuporta kay Regencia ay ilang araw na ring nakabantay sa Iligan City Hall. Napapaligiran din ng mga pulis ang City Hall.

This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.
 




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on