Huli sa CCTV: Pulis sa Dipolog City binaril ang nakaaway


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


Nakunan ng CCTV ang walang habas na pamamaril ng isang pulis sa nakaaway nito sa Dipolog City.

Sa video, makikita na inaawat ng dalawang babae ang mga lalaking nag-aawat sa Dipolog Boulevard.

Maya-maya, bumalik ang isang lalaki at tila may tinuturo sa may itaas na bahagi.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas ang isang lalaking may dalang sling bag.

Nilapitan ang lalaking nagtuturo at sinuntok.

Matapos awatin ang dalawa, bumangon ang isang lalaki at kinuha ang baril mula sa dala niyang sling bag at saka binaril ang kasuntukan niya.

Nakilala ang namaril na lalaki na si Police Officer 2 Jelly Din Rebosora ng intelligence section sa provincial police office sa Zamboanga del Norte.

Kinilala naman ang bikltima na si Rayner Cordova.

Sinampahan na ng kasong pagpatay ang nakabaril na pulis. (Umagang Kay Ganda, May 19, 2015)

This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on