Huli sa CCTV: Lalaking nagnanakaw ng CCTV camera sa Caloocan


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


Walang kawala sa CCTV camera na ikinabit sa isang boutique ang lalaking nagnakaw ng CCTV sa Caloocan City.

Noong una, nagmamasid lang siya sa paligid. Di nagtagal, inakyat na niya ang bintana ng establisimento naka-grills.

Bumaba siya nang makuha ang CCTV na nakakabit sa pader. Itinago niya ito sa ilalim ng damit at pasimpleng naglakad.

Hindi pala ito ang unang insidente ng pagnanakaw ng CCTV sa gusali.

Noong Enero, hagip din sa CCTV ang pagnanakaw ng CCTV sa kaparehong puwesto. Pero sa kabilang bintana umakyat ang suspek. Ayon sa barangay tanod, posibleng ninanakaw ang CCTV camera para ibenta.

Ipinaskil na ang litrato ng magnanakaw para makilala.

This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on