Hitman, arestado sa Maynila

MANILA – Arestado sa Maynila ang isa umanong hitman na sangkot sa apat na kaso ng pagpatay, kabilang ang pamamaril sa isang pulis.

Sugatan pa sa ulo at nabalian sa binti ang suspek na si Jerwin Monteroso matapos sumemplang ang sinasakyang motorsiklo habang nakikipaghabulan sa mga pulis kaninang hatinggabi.

Di rin agad siya nalapitan ng mga pulis matapos ang aksidente dahil sa bitbit niyang granada na natanggalan na ng pin.

Nakuha rin sa suspek ang ilang sachet ng droga at 38 kalibre na baril.

Bukod sa mga kaso ng pagpatay, napag-alamang nakulong na rin noon si Monteroso dahil sa droga. (ABS-CBN Umagang Kay Ganda – Mar 20, 2015)

This story was re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on