Graduating high school student nalunod sa Plaridel, Bulacan

MANILA – Isang estudyante na nakatakda sanang gumradweyt ngayong buwan ang nalunod sa irigasyon sa Plaridel, Bulacan kahapon.

Paulit-ulit na binibigkas ng ina na si Henny ang pangalan ng kanyang anak na si John Patrick Macapagal, 18 anyos, habang umiiyak sa harap ng kabaong nito.

Excited pa naman daw si Henny at ang pamilya sa graduation ng anak sa March 27. Kahit daw kasi may katigasan ang ulo nito, mabait naman daw siya sa magulang nya..

Kwento ng kabarkada ni Patrick na si Arnold, nagkayayaan daw sila na lumangoy sa irigasyon sa Plaridel na madalas pinagliliguan nila dahil sa init ng panahon.

Pero nang pagkatalon daw ni Patrick, tila may ipo-ipo sa tubig na humigop daw dito.

Pasado ala una ng hapon nang malunod si Patrick pero pasado alas diyes ng gabi na nang makita ang bangkay nito ng mga kaanak..

Ayon sa ilan, halos taon taon may namamatay sa paliligo doon.

Pinabulaanan naman ito ng kapitan ng Barangay San Jose, Plaridel na may sakop sa lugar, unang beses lang daw ito mangyari.

Aminado naman ito na bawal dapat pagliguan ang nasabing irigasyon na may lalim na 15-20 feet.

Para maiwasan naman na ang ganito pang mga pangyayari sa lugar, gagawa ng ordinansa ang barangay sa mas paghihigpitan at magbabawal sa pagligo doon kahit pa sa ngayon ay nagkalat na ang mga tindahan at cottage sa lugar na tila ginawa nang resort ng mga taga Barangay San Jose, Plaridel tuwing tag init.

This story was republished with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on