Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.
“Naniniwala po ba kayo sa forever?” begins the open letter to President Aquino that was drafted by three child-led organizations.
The #Lizquen influence is annoyingly blatant, but perhaps it is taking the President’s administration too long to turn the Anti-Corporal Punishment and Positive Discipline Bill into Law.
It was was filed waaaay back in 2010 and was only passed in the House of Representatives this year, 2015. At the moment, the bill is pending at the Senate Committee on Women, Family Relations and Gender Equality under Senator Pia Cayetano.
In any case, we’ll give it to the Active Youth Movement (AYM), Child and Youth organization (CYC) and Ang Karapatan ng Kabataan Ating Protektahan (AKKAP) that they’re children and are harking on cuteness to get the President’s attention.
“Kami ay nanawagan na ipasa at ipatupad ang Anti-Corporal Punishment and Positive Discipline Bill upang mabigyan kaming mga bata ng sapat na proteksyon mula sa karahasan,” continues the letter which is written in straight Tagalog.
Apparently, corporal punishment is the most common form of violence experienced by children. According to a 2011 survey by Pulse Asia, 85% of children in the Philippines suffer from cruel and humiliating punishment at home.
In case it needs clarifying corporal punishment is when a child is hit by hand, slipper, or sinturon to get them to behave. Apaprently, that leads to negative social relationships, poor cognitive development, worse academic results and a lack of future projections.
Allow us to act as speakers to these kids by printing their letter in full below:
Mahal naming Pangulong Noynoy,
Magandang buhay!
Naniniwala po ba kayo sa forever? Kasi, kaming mga bata ay nakakatakot isipin ang forever. Dahil kung ganoon, forever na magiging mababa ang tingin sa aming mga bata. Maaring forever kaming matatakot sa pambu-bully. Maaring forever na makakaranas ng pagpaparusa at pananakit tuwing magkakamali. Maaring forever na iisipin namin na hindi kami mahal ng parents namin dahil sa mapanakit nilang pagdidisiplina. Maaring forever kami matatakot gumalaw, sumubok at magkamali. Maaring forever na hindi matamasa ang karapatan naming mga bata. Natatakot din kaming isipin na forever na mararanasan naming mga bata ang pagpaparusa bilang paraan ng pagdidisiplina o corporal punishment. Lalong natatakot kaming isipin na forever kaming maghihintay na maipasa ang Anti-Corporal Punishment and Positive Discipline Bill.
Sa tingin po namin, walang forever. Dahil hindi po forever na mananatili kaming bata. Bilang pangulo ng ating bansa, kami ay nanawagan na ipasa at ipatupad na ang Anti-Corporal Punishment and Positive Discipline Bill upang mas mabigyan kaming mga bata ng sapat na proteksyon mula sa karahasan.
Dahil wala pang batas na tumutugon sa mali at mapanakit na pagdidisiplina at nagbabawal sa corporal punishment, patuloy pa rin ang mga magulang at nakatatanda sa pananakit sa aming mga bata sa pisikal at emosyonal na paraan. Sa mga ganitong paraan, hindi natatamasa naming mga bata ang aming karapatan. Ang Anti-Corporal Punishment and Positive Discipline Bill ang susi para tuluyang matigil ang corporal punishment o ang marahas na pagdidisiplina, panghihiya at pagpaparusa sa mga bata, para wala nang mga batang nasasaktan. Para makamit na namin ang aming mga pinapangarap na ang aming mga magulang at mga nakakatanda ay:
• Mabigyan ng kaalaman kung bakit mali ang pagpaparusa sa mga bata;
• Matuturuan tungkol sa tamang pagdidisiplina ng mga bata nang hindi sila sinasaktan; at
• Maging mas malapit sa kanilang mga anak.
Kung ang bata ay mas malaya at kapag hindi siya napapahiya, mas mapapaunlad ang aming kakayahan dahil hindi kami matatakot na sumubok at matuto. Ang mga batang kagaya namin ay:
• Hindi na magsisinungaling dahil hindi na kami takot magsabi ng totoo naming nararanasan at nararamdaman;
• Makararamdam na mahal kami ng aming mga magulang, mas mapalapit sa kanila, at maiiwas sa masama; at
• Magkakaroon ng mas magandang role model, at mas liliit ang tiyansa na paglaki namin ay pananakit ang magiging pamamaraan namin ng pagdidisiplina sa mga bata.
Maaari rin itong maging tulay para mabawasan ang pagkakasangkot ng mga batang tulad namin sa krimen at maling gawain dahil mas matuturuan sila nang maayos at nagagabayan. Ang komunidad namin ay magiging child-friendly, at mapalawak pa ang kampanya para sa Positive Discipline.
Sana po, bago tuluyang matapos ang termino ninyo, magawan ninyo ng paraan na mabago ang takot naming ito saforever, at maibalik ninyo sa amin ang tiwalang meron itong magandang pangako para sa mga batang katulad namin.
Ipasa at ipatupad niyo na po ang Anti-Corporal Punishment and Positive Discipline Bill. #wecantwaitforever☺
Lubos na umaasa,
Shiela C. Canonigo
Para sa Ang Karapatan ng Kabataan Ating Protektahan (AKKAP)
Royette A. Pilapil
Para sa Active Youth Movement (AYM)
Jean Pauline Villareal
Para sa Child and Youth Organization (CYO)
Ma. Isabelle Esplana
Para sa Youth Meets the Children Organization (YMETCO)
Marcuz D. Castro
Council Member, Region IV-A
NAPC-Children Basic Sector
Photo: Thea-blast.org
