Bata sa Legazpi City, Albay naipit sa pader


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


ALBAY – Naipit ang isang tatlong taong gulang na batang babae sa pagitan ng pader ng magkatabing bahay sa Barangay Cabangan sa Legazpi City.

Ayon sa ina ng bata, isinama niya sa bubong ng bahay ang bata para magsampay ng mga nilabhan.

Hindi niya ito maiwan dahil hindi ito mapatahan sa pag-iyak.

Hindi niya umano namalayan na lumayo na ito sa kanya. Huli na ng makita niya at nahulog na ito sa puwang.

Aniya, hindi na niya naabot ang damit ng kanyang anak at tuluyan na itong dumausdos.

Dumiskarte naman ang mga rescue teams para masigurong ligtas ang bata at hindi nasasaktan.

Maingat nilang minaso at ginamitan ng grinder ang pader para mabutas. Dahil naman sa ilang mga naka-usling hollow blocks na nakaharang sa bata, nahirapan pa sila bago ito mailabas.

Inabot ng sobra sa dalawang oras bago nakuha ang bata.

Agad namang isinugod sa ospital ang bata na nag tamo ng gasgas sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan. (Umagang kay Ganda, March 13, 2015)

This story was re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on