Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.
Arestado ang dalawang lalaki na nagpanggap umanong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) para makapangikil ng pera sa isang kumpanya.
Sa kuha ng CCTV, nakita ang pagpasok ng suspek na si Francisco Kalikoy na nagpakilala umanong miyembro ng CPP-NPA. Hinihintay niyang dumating ang may-ari ng isang consultancy firm,na may opisina sa gusali.
Pinadalhan ng sulat ng mga nagpakilaang CPP-NPA ang consultancy firm, kung saan hinihingan nila ng kalahating milyong pisong revolutionary tax ang may-ari ng kumpanya.
Kaya humingi ng tulong ang kumpanya sa National Bureau of Investigation.
Naaresto ng NBI si Kalikoy at ang isa pang suspek na kasama nito.
Ayon sa may-ari ng kumpanya, hindi ito ang unang beses na nanghingi sa kanila ng revolutionary tax ang grupo.
Isang Cresente Discon Pangilinan na umano’y miyembro ng central committee ng CCP-NPA ang una nang nanghingi ng P200,000.
Pinaghahanap naman si Pangilinan at dalawa pang iba. Base sa intel ng NBI, hindi sila totoong mga miyembro ng CPP-NPA.
Kakasuhan ang suspek ng robbery and extortion. (Umagang Kay Ganda, April 24, 2015)
This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.
