1 patay sa karambola ng 5 sasakyan sa NLEx


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


Isa ang patay nang magkarambola ang limang sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEx) Valenzuela. Nangyari ito ng Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa mga nadamay na drayber, tinumbok ng isang pampasaherong bus ang likuran ng closed van. Bumangga naman ang van sa isa pang bus at elf truck na nasa harapan nito.

Nabangga rin ng pampasaherong bus ang kotse na nasa harap nito.

Ayon sa driver ng pampasaherong bus, hindi kumagat ang preno niya kaya siya bumangga sa closed van.

Dahil sa aksidente, nagsikip ang daloy ng trapik sa NLEx.

Dead on arrival na sa ospital ang driver ng closed van na kinilalang si Eddie Omandac.

Nahaharap naman sa patong-patong na kaso ang driver ng pampasaherong bus. (Umagang Kay Ganda, Apr 22, 2015)

This article has been re-published with permission from ABS-CBNnews.com.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on