Kwentaxi by Juana Change: Nota

Social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she meets a driver who is still undecided on who to vote for in the coming presidential elections.

Habang chumichika ako sa aking cell phone napansin kong sinisilip-silip ako ng driver sa salamin. Kausap ko nuon kaibigan ko tungkol sa isyu ng Metro Manila Film Festival.

Parehong mataas ang energy namin dahil pareho kaming nasa unang hearing sa Congress kung saan nabuking ang anomalya sa mismong mga bibig ng Chairman na si Atty Emerson Carlos, ex-com na sina Marichu Perez Maceda at Dominic Du.

Siyempre feeling vindicated kami habang nilalampaso sila ng mga congressmen na sina Neri Colmenares, Dan Fernandez, Winnie Castelo, Alfred Vargas, Lito Atienza, at Johnny Revilla.

Pagkatapos kong isara ang cell ko, parang hindi pa rin mapalagay si kuya. Parang gusto niyang mautot pero hindi niya kayang ilabas dahil dalawa lang kami sa car. At kung hindi ako, eh di siya. #AlamNa! Hanggang sa…

Driver: Mam, pwede bang matanong kita kung sino sa mga tumatakbong presidente ang iboboto mo?
Juana C: Ha ha! (Yun pala ang kinikimkim ni kuya.) Ngek! Sa aking pagbabantay at pagsusuri sa lahat ng tumatakbo kuya, wala ako ni isa mang maibigan sa ngayon eh.
Driver: Ako man. Wala nga po eh.
JC: Ang lungkot ano? Hindi ka nag-iisa!
Driver: Haay! Si Grace Poe dala lang ng tatay.
JC: Dahil kay Fernandoe Poe kaya dapat siyang manalo? Bukam-bibig eh noh?
Driver: Si Duterte naman mam ang daming sinasagaan dito sa Manila.
JC: Ang pagpatay ng tao o pag-ubos sa mga malilit na kriminal hindi naman makakalutas sa ugat ng mga problema ng lipunan. Sa akin yang si Duterte ay sintomas pa rin at hindi solusyon sa mga problema natin kuya.
Driver: Si Miriam matapang kaso baka gawin ulit ni Miriam yung ginawa ni Marcos.
Juana C: Si Marcos ang VP niya. Ayoko nang bumalik na naman tayo sa Marcos. Hindi man siya ang tatay niya pero feeling niya ata sila pa ang biktima eh. Aba, eh mali naman ata yun. Lakas maka-revise ng history ng mga yan eh. Nagpasasa ata sila at daming namatay at tinorture nung panahon ng tatay niya noh. Di pa nga nababalik sa kaban ng bayan lahat ng mga pinakinabangan nila noh. At mga nakapwesto pa rin. At may sakit si Miriam di ba? Pag nategi siya balik na naman tayo sa Marcos! Ayaw!
Driver: Katulad ngayon na may tensyon tayo sa China, dahil matalino at matapang yang si Miriam baka makipag-giyera.
JC: Ha ha ha! Pag umihi nga lang lahat ng Chinese ng sabay-sabay lulubog tayo eh. Pag nag jump naman lilindol! Whaaa! Eh si Mar Roxas kuya, ano tingin mo?
Driver: Sa akin, may isyu yan sa pagkamatay nung Bicolano…yung si Robredo. Siya daw ata nagpabagsak ng plane eh.
JC: Me ganun? Ha ha ha! Lackluster naman yang si Mar Roxas kahit saan mapwesto. Doormat pa ni Aquino! Biruin mong ipagpapatuloy daw niya ang tuwid na daan. Me tamang adik din, di ba? Ano tayo, pasagasa? No way!
Driver: Parang lahat may manipulation eh. Tulad na lang nang nangyari sa Mamasapano. Ang gulong bumoto ngayon mam.
JC: Pinagtakpan niya pa si Aquino na gumago sa kanya. Kawawang Pilipinas! Eh si Binay?
Driver: Malaking isyu niya yang pagiging sobrang mayaman niya. Nakakatulong nga sa Makati pero sobra naman pagpapayaman niya.
JC: Nung nakatikim nang paupuin nung panahon ni Cory, naging bilyonaryo na lolo mo. Eh dati guro yan na naka-Beetle lang na kotse. Ngayon, political dynasty. Paano na kaya ang kinabukasan ng Pilipinas kung isa sa kanila ang maging presidente?
Driver: Siguro mam hindi na lang ako boboto. Yung sa iba na lang. Sa bise-presidente atsaka sa mga senador. Sa presidente, wala talaga eh.
JC: Tawag diya NOTA!
Driver: NOTA? Ano yang NOTA?
JC: None Of The Above!
Driver: Ay oo! NOTA ako!
JC: NOTA tayo!




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on