Kwentaxi by Juana C: Walang kwenta


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she and the driver agree that our government is useless.

Taxi Drayber: Hahaha, ano klaseng gobyerno meron tayo?
Juana C: Pakisagot na rin: Ano hong klaseng gobyerno meron tayo?
TD: Eh di walang kwenta. Walang kwentang gobyerno.
JC: Pak!
TD: Napansin nyo ba?
JC: Ang alin ho?
TD: Sa gobyerno ni PNoy, kay daming namamatay? Yolanda, yung sa Luneta, yung 44.
JC: Yung Zamboanga…
TD: Ala eh, ako’y di nagagandahan sa pamamalakad ni PNoy. Ano siya eh, mapaghiganti eh. Magaling mamulitika, magaling manisi.
JC: True. Boy Sisi!
TD: Pag nasilipan ka niya, titirahin ka nyia. Pag mga kasamahan niya, di nyia na inaano.
JC: Kalurkey!
TD: Sa tingin nyo, pagkatapos ng term niya, makakasuhan?
JC: Sure na sure. At dapat lang.
TD: Oo, kasuhan yan.
JC: Dapat lang. Kasuhan at ikulong.
TD: Ale ey, kung ano ang ginawa niya kay Gloria, pag minamalas-malas siya aabutin din niya yun. Galing manisi. Hanggang sa katapusan ng kanyang termino ala ey, si Gloria sisisihin pa? Wala naman siyang naipakitang galing. Ano ba ang nagawa niyang mabuti para sa Pilipinas.? Ala ey, wala!
JC: Meron namang kapiranggot, pero walang tunay na pagbabago sa sistema o sa buhay ng mga mahihirap at mamamayan.
TD: At yang ginagawang pagsuspindi kay Binay, politika ni Roxas yun.
JC: Hahaha! Ano pa nga ba! Mga Binay kapit-tuko rin sa pusisyon eh, noh! Si Roxas naman lakas pa ding umasa na may pag-asa pa siya sa 2016. Sana alam niya ang matagal na nating alam: wala na siyang kapag-a pag-asang maging presidente ng Pilipinas!
TD: Hahaha! At siya din may pakana nung kay Binay eh. Hahaha! Ganti-ganti lang.
JC: Itumba na ang mga makakalaban sa 2016.
TD: Katakutan nila si Duterte pag yan ang kumandidato. Hahaha! Pag tumakbo magtayo na ng punerarya. Patay ng patay yun. Sa lahat ng krimen patay ng patay.
JC: Hahaha! Yan pala ang magandang negosyo pag siya nananalo ano, punerarya. Duterte sa 2016! Pag bad ka, Patay ka! It’s more quiet in the Philippines! Hahaha! Ang mga taga kampanya niya, puro may-ari ng funeral palor. Ayos!
TD: Yang kay Binay naman, kung ako si Binay, at ako’y manalo, ala ey, bubweltahan ko yang si Trillanes.
JC: Isa pa yang ambisyosong froglet na yan na sispsip kay PNoy. Sarap guluhin ng hair niya noh. Kapal ng fez.
TD: Gusto niyang sirain ng sirain ang reputasyon ni Binay kasi laang ey may hangarin siya.
JC: Kurek! Mismo! Pak! Tumpak!
TD: Hahaha!
JC: Haaay! Lord, anong klaseng taong gobyerno meron kami?
TD: Ala ey, di mga walang kwenta. Pasasaan ba’t ang tinanim nila ay siya rin nilang aanihin.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on