Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.
On this series, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she reunites with a taxi driver who once went out of the way to return an item she left behind in his vehicle.
Juana C: Kuya, di ba nasakyan na kita?
Abe: Opo!
JC: Nakakatawa yung sinabi ko ano?
Abe: Alin po?
JC: Yung sinabi ko na nasakyan na kita. Tapos umoo ka naman. Haha! Nai-imagine ko kasi na nakasakay ako sa iyo. Ang cute ng visual kasi pareho tayong chubby. Naalala ko tuloy ang bed scene ko with Niño Muhlach. May hawig kayo.
Abe: Talaga po? Hindi naman po.
JC: Teka teka…Ikaw nga yun! Stop the car. Kaya pala namumukhaan kita. Ang bilis mo akong iniwan nung araw na yun.
Abe: May kausap po kasi kayo. Ayokong maka istorbo.
JC: Anong name mo kuya?
Abe: Abe po.
JC: Sa Legaspi Village mo ako hinatid nun. Nasaan ka na nung makita mo ang naiwan kong red wine?
Abe: Nasa MOA na po.
JC: At bumalik ka ng Makati para lang ihatid yun sa akin?
Abe: Opo.
JC: Pano mo nalamang akin yun?
Abe: Nakita ko pong hawak niyo nung sumakay kayo sa akin.
JC: Hihihi! Inulit mo na naman.
Abe: Hawak niyo po nung pumasok kayo.
JC: Bwahahaha! Pumasok talaga.
Abe: Basta nagkakaintindihan na po tayo.
JC: Alam mo bang ni hindi ko alam na may naiwan ako sa iyo?
Abe: Nagmadali nga po ako e. Baka nag-aalala na kayo.
JC: Hahaha! Lumolola na kasi. Ni wala sa ulirat na may naiwan.
Abe: Buti rin po lumingon ako.
JC: Graveh! Nahipuan mo ako.
Abe: Po?
JC: Touched ako sa ginawa mo kaya mo ako nahipuan. Hihi! Hindi marami ang katulad mong magsosoli ng ganung bagay. Pwede na kasing hindi isoli yun eh. Hindi naman yun laptop, o cellphone o wallet na may limpak-limpak na salapi.
Abe: Mukhang may pagreregaluhan kayo eh. Sayang naman.
JC: May gusto lang papulahin. Hihi! Atlit ngayon sa muli nating pagtatagpo mas makakapagpasalamat ako ng maayos. Thank you kuya mula sa kaibuturan ng aking heart.
Abe: Wala pong anuman.
JC: Binalik mo ba dahil kilala mo ako Abe?
Abe: Binalik ko po kasi inyo yun.
JC: Huwow! You rock Abe! Mabuti kang tao.
Abe: Artista po ba kayo?
JC: Medyo. Ako ang Pinay na Maria Ozawa.
Abe: Sino ho yun?
JC: I-google mo at pagsakay ko sa iyo ulit may itatanong ako sa iyo.
Abe: Yes po!
JC: Muli Abe, Salamat! Sana lagi kitang masakyan!
Abe: At sana po wala na kayong malimutan.
JC: Sensya na ha? Tao pa.
Hey reader, your favorite Kwentaxi stories have been compiled in a book by Anvil Publishing. ‘Kwentaxi by Juana C’ will be launched on Sep 24, 6pm, at National Book Store (Glorietta 1, Ayala Center, Makati). You are all invited! Check this Facebook page for details.
