Go (coco)nuts! Share this story with your friends.
On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she hires a driver who gets caught beating the red light.
Juana C: Kamusta naman biyahe kuya?
Taxi Driver: Imbes na pauwi na lang eh, ngayon tuloy kailangan ko pa ng mga tatlong pasahero. Imbes na alas tres nasa bahay na ako, ngayon tuloy mga alas sais na ako nito makakauwi. Tsk Tsk!
JC: Anyare?
TD: Nahuli ako. Kumanan ako kahit red light.
JC: Nagmamadali?
TD: Yung pasahero ko kasi limang minuto na lang daw male-late na sa call center na pinagtatrabahuhan niya. Naawa naman ako.
JC: Ah nagmagandang-loob ka?
TD: Hindi ko akalaing may nagtatagong mga buwaya dun. Eh tiyempo kaninang 11:30 na kaya gutom na mga yun.
JC: Naglagay kayo?
TD: Nagtanong lang naman ako kung pwedeng makiusap.
JC: Ansabe?
TD: Eh ano ba daw ang areglong gusto ko.
JC: Aber. At ang sagot nyo ay…
TD: Sabi ko pagpasensyahan na yung PHP300.
JC: PHP300?
TD: Laking abala kaya yung pagtubos ng lisensya. Nakatipid na ako dahil PHP750 talaga yun. Buti nga hindi reckless driving. May seminar yun.
JC: Kasi nga, red means stop!
TD: May taon din naman na wala akong violation ha.
JC: Mag rewind pa talaga?
TD: Nairita pa nga yung pasahero ko sa akin eh. Lalo daw syang male-late. Eh ginawa ko nga yun para sa kanya. (Sabay hipo sa krus ng rosaryo na nakasabit sa rear view mirror.)
JC: Uy! Hinipo mo si Jesus.
TD: Eh ni hindi na rin ako makasimba sa kakatrabaho. Kaya nagsa-sign of the cross ako madalas.
JC: Whew! Mama para.
TD: Akala ko ba sa Cash and Carry ka, eh Shopwise pa lang yan.
JC: Nagbago ang isip ko.
TD: Di bababa ka na dito?
JC: Oo dito na, now na. At ito ang payo kong hindi mo hinihingi: Red means stop, may pagtulong na di nakakatulong, bawal ang maglagay, at hindi nakukuha si Lord sa palusot at pahimas-himas!
Get Coconuts news delivered to your inbox! Subscribe to our newsletter below for a chance to win a limited edition Coconuts hat.
