Kwentaxi by Juana C: Pope Francis effect

Go (coco)nuts! Share this story with your friends.

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week a driver bears witness to some people’s twisted view of religion.

Juana C: Kamusta ho ang byahe nung andito ang Santo Papa?
Taxi driver: Wala nga hong color-coding pero wala namang pasok. Eh di walang masyadong pasahero. At matrapik pa rin.
JC: Saan ba kayo naghahanap ng pasahero? Sa Nunciature? Hehe!
TD: Kung ang sambayanang Pilipino gustong lumapit sa kanya, ako ho baligtad. Lumalayo ho ako dahil naghahanap-buhay po ako nun at kailangan ko pa rin pong kumayod para pakainin ang pamilya ko kahit nandyan sya. Di po ako katulad nung iba na kahit 15 oras na halos walang inom at kain ok lang. Tapos nung makita daw sya busog na. Wow!
JC: Hahaha! Marami rin hong hinimatay sa gutom at lamig.
TD: May nasakay ho akong dalawang babae na galing sa Solaire nung araw na nagpunta ang Papa sa SM Arena.
JC: Magkalapit nga yun. Mga sugarol ba?
TD: Sa kwentuhan ho nila sa sugalan sila dumerecho pagkatapos nilang magpabasbas kay Santo Papa, na para daw si Jesus sa tingin nila.
JC: Me ganun.
TD: Eto kaniyo.
JC: Win?
TD: Rinig na rinig ko ang sabi nung mestisang mataba, “Friend, ito na ata ang pinakamahal na sandwich na kakainin ko, eighty thousand!”
JC: Huwat? Aray!
TD: Sumagot naman po yung kaibigang maputla, “At least sandwich yan friend. Itong tubig ko P60, 000.”
JC: Hohemgeee!
TD: Kumita ako ng PHP1000 nung araw na yun at masaya akong kumain ng dinuguan at dalawang kanin. Eh sila, yung tubig at sandwich nila hawak pa rin nila hanggang dito sa taxi ko. At least may epek din sa kanila. Walang silang nararamdamang uhaw at gutom pagkakita nila sa Santo Papa.
JC: Hahaha!
TD: Baka akala niyo yan ang ending ng kwento ko?
JC: Hala lagot. Meron pa?
TD: Narinig daw nung mestisang mataba si Pope Francis sa TV nung sinabing, “Those who gamble and swander money.”
JC: Squander ho
TD: Sequaaaaa… 

JC: Squander ho.
TD: Sequander. Yun, yun na yun. Nanikip daw dibdib nya at napatingin sa asawa.
JC: Malamang hindi alam ng asawa na sugarol sya.
TD: Mali kayo! Sa asawa pala sya natutong magsugal. Kaso yung asawa natauhan na.
JC: Naninikip din dibdib ko sa kwento niyo.
TD: Hindi pa ho ako tapos.
JC: Quota na ho ako sa epek ng pagdating ng Papa.
TD: Ang ikinagulat ko pa po ay ito..
JC: Alam mo mama, may pagka torturer ka.
TD: May hawak po sa kanang kamay na maliit na Sto. Nino si putlain.
JC: Pati yun napansin niyo?
TD: Yun po ang kamay na nag-abot ng bayad sa akin eh. Nakadikit yung pera sa malinggit na Sto.Nino.
JC: Atlit may pambayad naman?
TD: Mabait po ang Diyos. Tinirahan sila ng para sa akin. Para sa naghahanap-buhay. Hahaha!
JC: Oh say! Maganda na hong ending yan.
TD: Wala pa hong ending.
JC: Ho?
TD: Magkikita daw po sila kinabukasan sa Solaire para bumawi.
JC: Hahaha! Wagas! Atlit nakakapit kay Sto. Nino at kumukuha ng lakas kay Pope Francis.
TD: Hahaha! Opo! Para hindi mahuli ng pamilya…
JC: … at hindi makaramdam ng uhaw at gutom habang bumabawi.
TD: O di ba? Mabait po talaga ang Diyos!
JC: Naman! All the time!

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
Tomoh! A taxi driver’s inspiring story 
Uber Papa, Juana C orders an Uber and gets a dreamboat driver
Huwag kang gago, Juana C teaches a wily taxi driver a lesson he’ll never forget
Soria, Juana C meets the taxi driver from hell
Kaerus, Juana C meets a taxi driver who lucks out with his youngest child

Want to read more? Scroll down and click the ‘next post’ button.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on