Go (coco)nuts! Share this story with your friends.
On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she meets a driver who was asked to leave Davao by its mayor.
Taxi Driver: Maguindanao is a province of the Republic of the Philippines. Hindi ka pwedeng magtago dun at hindi ka huhulihin. Huhulihin ka. Wanted ka eh. Hindi lang Malaysian ang nakatago diyan. May mga Arabo pa diyan. May mga Saudi na wanted diyan. May Yemeni din na wanted na kinakanlong nila kasi meron silang link with Al-Qaeda and ISIS. Duon sila kumukuha ng financial support.
Juana C: Easy kuya. Marubdob na marubdob ang damdamin natin ah.
TD: Then yung mga rifle na binalik kulang na ng mga piyesa. Walang night vision apparatus na sinauli. Walang Kevlar na sinauli. Kasi magagamit nila yung Kevlar na yun. Yung mga important components ng M-4 wala na rin. Tinanggal nila kasi pwede nilang malipat yun sa armas nila.
JC: Tigasan ka ba kuya? I mean, taga saan ka kuya?
TD: Davao. Tatakbo na yung mayor namin.
JC: Di ba may sakit yun?
TD: Ewan! Tatakbo daw siya kasi isasalaba nya yung Pilipinas!
JC: Isalba daw saan?
TD: Isa pa rin praning yung hayop na yun. Hahahaha!
JC: Hahaha! May amats din?
TD: Di ba na-interview siya diyan sa Senate. Tinanong sya, “What will you do if Danny Ang will come to Davao and do smuggling? Sagot nya, “If Danny Ang will come to Davao and do smuggling, I will gladly kill him.” Nasa Senado ka, sasabihin mo iyan. Ito namang mga senador na luku-luko tawa ng tawa. Di ba mga sira-ulo rin?
JC: Honesty is funny in the Philippines.
TD: Talagang may death squad duon sa amin.
JC: Open secret.
TD: Kaya disiplinado mga tao sa amin. Si Digoy umiikot iyan. Pag nakita niya yung pulis nasa aircon at natutulog, kinabukasan sa Basilan na yun naka assign.
JC: Hahahaha!
TD: Pag nagkabuhul-buhol ang tapik tapos nakita niya yung pulis nagkukwentuhan, kinabukasan sa Jolo ka na maa-assign.
JC: Lufet!
TD: Di ka pwedeng hindi ka sa smoking area magyoyosi.
JC: O ngayon, nag-announce na na tatakbo ng 2016 for president, iboboto mo?
TD: Boto ko na lang kesa si Binay!
JC: Sa mamamatay tao tayo?
TD: Hindi kurap ang tao na yun.
JC: Mamamatay tao lang! Hahaha!
TD: Isa na ako dun.
JC: (Napalunok.) Ikaw?
TD: Nuon pumupunta kami ng Sultan Kudarat, Maguindanao. Humahanap kami ng baril na mura. Dadalhin namin sa Davao para ibenta. Natiktikan kami. Pinatawag kami ni Duterte.
JC: O, tapos?
TD: “Kayo, iyang mga baril na binebenta niyo, ang tamaan niyan kasalanan niyo. Tigilan niyo na iyan, ha? Saan niyo gustong lumipat? Bibigyan ko kayo ng pamasahe, bapor lang. Pero 24 oras lang . Walang samaan ng loob. Pinagbibigyan ko na kayo. Kundi lulutang kayo diyan sa Bangkerohan.”
JC: Ganun lang ang bitaw sa iyo ha?
TD: Sagot ako, “ Sa Manila sir.” Empake kami agad. Labas kami ng Davao. Pumunta kami ng Butuan. Doon kami sumakay na limang magpi-pinsan.
JC: Ayos!
TD: Maganda naman yung palakad nya.
JC: Hahaha!
TD: Kung drug pusher ka, mas hindi ka pagbibigyan. Pag user ka ipapa-rehab ka. Dun sa libre. Ipakukulong ka niya ng mga 6 na buwan.
JC: Anong taon nangyari ito sa iyo?
TD: Tagal na. Unang pagka mayor pa nya. Twelve years ago. Di ba papalit-palit lang naman iyan sila. Three terms sya. Tapos three terms yung anak.
JC: Killer na, poitical dynasty pa. Pak!
TD: Kuya, Saan ka nag-aral? Tunog nagtapos ka eh.
TD: Central Mindanao State University sa Bukidnon, agriculture natapos ko.
JC: Eh bakit ka naman napunta sa gun dealing?
TD: Walang trabaho eh. Biruin mo yung .45 na baril bibilhin ko ng PHP10-15 thousand. Mabebenta ko ng PHP45 thousand. Baby armalite bibilhin mo ng 20, bebenta mo ng 50-60. Kung maka lima ka?
JC: Ah! Easy money!
TD: Mantakin mo naman ang kita!
JC: Ayun! Kesa mag agriculture. Hirap kaya magbungkal ng lupa.
TD: Totoo man yung mga bala ng Ampatuan, nakalagay-Property of the Republic of the Philippines, AFP. Pwede ka man bumili ng bala sa kampo. Yung in-charge sa armory, pagbibili ka ng limang kahon, ipupuslit nya yun ng madaling araw. Iyan naman ibebenta mo dun sa mga Muslim. Mahal ang benta. Pero ngayon hindi na kasi gumagawa na sila ng bala, Gumagawa na sila ng baril. Noon wala silang ganun.
JC: Talaga ha?
TD: Yung mga armas ng SAF mahal yun. M-4 yun. Mga 100k-plus isa nun. Di mo mabibili iyun. Walang nagbebeta pa nun. Dala iyun ng mga sundalong Amerikano sa Balikatan. Bigay.
JC: Kaloka kwento mo kuya. At talagang iboboto mo pa rin si Duterte ha? Final answer?
TD: Ayos iyan si Digoy.
JC: Kasi mga masasamang tao lang ang pinapapatay nya? At dapat lang silang mamatay? Hindi na natin kailangan ng batas kasi meron na tayong Duterte!
TD: Hahaha!
JC: At pag presidente na siya ng Pilipinas, saan na itatapon ang mga magkakasala sa kanya?
TD: Iyan ang tanong.
Get Coconuts news delivered to your inbox! Subscribe to our newsletter below for a chance to win a limited edition Coconuts hat.
