Kwentaxi by Juana C: Mas lalake pa sa akin


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she meets a taxi driver who says he got hit on by a male passenger.

Taxi Driver: Malapad yung likod niya kesa sa sandalan. Lampas yung ulo niya sa silya. Laking mama. Mga six-footer siguro.
Juana C: Guwapo? 
TD: Taga [isang TV station] daw siya. Dun ko siya pinick-up.
JC: Guwapo?
TD: Maitim na malaki ang tiyan. Mga kulang kuwarenta yun.
JC: #alamnaangsagot
TD: Sa tabi ko umupo. Ang unang tanong niya sa akin, “Siguro kuya marami ka nang naging chicks dito noh?”
JC: Anong sagot mo?
TD: Sabi ko, “Hindi ser. Hindi ko ginagawa. May dalawang anak ako, atsaka may asawa.“
JC: Char! Uliran?
TD: “Eh mga bakla kuya nakatikim ka na dito,” ginanun ako. “Mahirap ho kako yun kaya hindi pa,” sabi ko. JC: Pa? Binigyan mo ng butas si kuya sa sagot mo.
TD: Tapos sabi, “Eh kung meron ser, gusto mo ba?”
JC: Yun na!
TD: Hindi naman ako kinakabahan kasi alam ko lalaking-lalaki eh. Sabi ko, “Naku ser, hindi pa. Pero depende siguro. Kung meron, bakit hindi?” Sinubukan ko lang siya nun. Sa loob-loob ko, siguro irereto ako nito sa bakla. Wala akong takot.
JC: Tange! Bakit ka naman sumagot ng ganun?
TD: Parang napilitan din ako eh. Alam ko naman na di siya bakla. Kung ireto man niya ako, imposible naman na may mangyari. May mga nag attempt naman talaga sa akin pero sa umpisa pa lang alam mo na talagang bakla. Ito lalaki eh.
JC: Hmmph! Napilitan o naintriga?
TD: Nagulat ako kasi pagsabi ko nun biglang nagbago yung boses niiya. Naging babae. Nilagay yung kamay sa hita ko. Hinimas-himas.
JC: At nasarapan ka?
TD: Natakot kaya ako. Ang lapad ng kamao. Laking tao, bakla pala. Tapos sabi, “Sige na kuya, presyuhan mo na ako!” Boses babae yun ha.
JC: Na-imagine ko itsura nyong dalawa. Haha!
TD: Yung hita ko lang muna kasi parang nahihiya rin siya sa akin nung una eh. Sabi ko, “Ser, ano yan? Huwag po sir. Wag naman po.”
JC: Hahaha!
TD: Tapos paikot-ikot lang kami. Ikanan mo dyan. Dead end pala. Ikaliwa mo dyan. Ikanan. Ganun.
JC: Hinihilo ka siguro.
TD: “Ser may ibang mga game diyan. Hindi ko talaga kaya ser. Kahit na wala po akong kita ser pero di ko talaga kaya.” Tinatanggal ko kamay kaso ang lapad ng kamao. Mas lalaki pa sya sa akin eh. Dun ninerbyos na ako. Sa takot ko, hinayaaan ko na lang siya. Nung hindi ko na kaya yung nerbyos ko, dahil takot na takot na ako talaga, itinabi ko na yung taxi, “Sir wag naman po ser. Hindi ko ho talaga kaya ser. Kahit po talaga wala akong kitain.”
JC: Tumigil? 

TD: Naawa din, “Sige na nga wag na. Ipara mo diyan.” Bumalik na sa lalaki yung boses. Yun pala napapaikot-ikot kami sa malapit lang sa bahay niya. Pamilya niya andun sa terrace. Yung asawa niya ng ganda-ganda. May anak na dalaga. Kamukha nung asawa niya. Yung anak niyang lalaki ang kamukha niya. Nag-kiss pa sila nung misis niya eh. Sabi nya, “Mommy penge nga ng barya dyan.” PHP78 ang metro nIya pero binigyan ako ng isang daan.
JC: Atlit may PHP22 na harrassment tip! Hahaha! Salamat sa kwento mo kuya, ha?
TD: Yung bakla, silahis pala. Yan ang karanasang di ko malilimutan sa pagta-taxi.

 




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on