Kwentaxi by Juana C: Homeless

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she meets a homeless taxi driver who turns out to be a self-styled philosopher.

Juana C: Manong bakit kayo may tennis racket?
Taxi driver: During high school I used to play for my school. Binili ko yan sa ukay-ukay for the memories. My competition days were some of my happiest days of my life. 
JC:  Tamang senti. Ang galing-galing nyo sigurong maglaro.
TD: Buhos-loob lang. 
(Biglang may barumbadong driver ng kotse nag-overtake kay manong.)
JC: OMG! Gago yun ah!
TD: Hayaan niyo na. Safe po kayo sa akin. Siguro may pinagdadaanan lang yun. Haha! 
JC: Pasaway sya manong. Mabalik tayo. How are you these days? 
TD: Eto, wala akong bahay. I am homeless. Hehe!
JC: Oh no!  Why? Anyare po?
TD: Nung di magpang-abot ang kita ko at mga bayarin, nagdisiyon si misis na mangamuhan kasama ng anak namin. Yung dalawa ko pang mga anak ay nagsasarili na. 
JC: Eh kayo po paano?
TD: Haha! Marami namang mga gasulinahan. Doon ako nakikitulog at nakikililigo. Nakakaraos naman. 
JC: Grabe! Sana habang tumatanda, mas umaalwan ang buhay.
TD: Totoo po yan. Mas maalwan ang buhay ko ngayon. Mas kasya ang kita dahil mas konti ang bayarin. Minsan sa isang linggo nakakasama ko naman ang asawa at anak ko eh. Masaya kami. Mas malaki pa ang nabibigay ko ngayon.
JC: Buong buhay po ba ninyo taxi driver kayo?
TD: Nangamuhan din ako sa intsik. Company driver ako dati. Kaya lang nung nagkaka-edad na ako. Yung dati kong pasok na regular, ginawang tatlong beses na lang sa isang linggo. Katagalan, halos isang beses na lang. Para hindi sila mahiyang alisin ako, nagpaalam na lang ako. Kailangan nila ng mas bata. Naintindihan ko rin naman. Tahimik akong nagpaalam.
JC: Ang sama naman ng amo niyo? 
TD: Ganun lang talaga ang buhay. Yung di mo kayang baguhin dapat kaya mong tanggapin. 
JC: Hindi ba masama ang loob nyo sa mga sinapit niyo sa buhay?
TD: Para ano? May maitutulong ba sa akin ang sama ng loob?
JC: Normal lang ho yung sumama ang loob manong.
TD: Hindi ho ako abnormal ha? (Sabay ngiti.)  Buhay pa naman ako di ba? Matanda na pero may lakas pa. At nasa mas mabuting kalagayan ang asawa at anak ko sa amo nila ngayon.  
JC: Bakit ho ba lagi kayong may pag-iintindi para sa ibang tao at pagtanggap sa mapapait na nangyari sa inyo?  
TD: Simple lang kasi ang paniniwala ko.
JC: Ako ho kasi ang naiinis at maraming tanong. Parang ang sama kong tao sa tabi niyo. Kayo na ho ang homeless na walang bitterness. So sige nga po. Ano ang paniniwala nyo? Aber….
TD: Haha! Handa na kayo talagang malaman? 
JC: Kanina pa po. 
TD: Ang bitterness po ay para sa ampalaya, hindi sa tao! 

Illustration: Bank Jaruthammakorn

This is not a work of fiction. This conversation really took place during a taxi ride from Intramuros to Makati.

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
– Mama Mary, when male passengers make a pass on taxi drivers
– Rockstar, a Vilma Santos-quoting polyamorous taxi driver
– BearBranin mo, a driver extols the undiscovered virtues of a milk brand when given to babies

Pagsuway sa Senadora




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on