Kwentaxi by Juana C: Grab(e) sa Uber


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she chats up a single-but-not-looking Uber driver .
 

JD: Hi Ma’am!
Juana C: Hi din kuya. Ang ganda naman ng smile mo. Naalala ko si Mr. Clean.
JD: (Laughs)
JC: Kuya, iyo itong car ano?
JD: Opo!
JC: Bago ka nag Uber ano work mo?
JD: May printing company po ako. Kaya lang isinara ko na.
JC: Aha! Siguro ikaw yung nagpi-print ng EPAL na tarp ng mga pulitiko.
JD: Hahaha! Guilty! Totoo po. Masakit po sila sa ulo.
JC: Obvious nga. Naubos ang buhok mo.
JD: Yung mga politiko ko hong mga customer, hindi nagbabayad.
JC: Sabihin mo sa akin kung sino mga yan. Hihiyain natin!
JD: Pwede po bang huwag na lang?
JC: Mga balasubas sila. Pera ng bayan ang ginagamit nila. Dapat kaya ka naman nilang bayaran noh. So yung ninakaw nila, ninakaw pa ulit? Highest level! Nagpapogi na, namerwisyo pa. EPAL todomax! Grrrr…
JD: Kaya napag-isip ako. Mas mabuti pa talagang isara na. Yung pangakong 90 days…
JC: … naging never! Haist!
JD: Ganun nga ang nangyari
JC: I hope wala kang pamilyang binubuhay.
JD: Wala po. Mom ko nasa Canada na. May asawang Canadian. Two sisters ko po nasa abroad din. Isa sa Canada and isa sa US. Yung brother ko nakahiwalay kasi may sariling bahay na din. My dad died when I was six. 
JC: So you live on your own?
JD: Opo. Binata po ako.
JC: (Wink,wink) Ako dalaga! Cherrret! Bakit ka single?
JD: Hindi lang po talaga ako naghahanap.
JC: Ako kasi naghahanap. Wahaha! Maisingit lang. Sinubukan mo rin bang humarap sa mirror at tanungin ang iyong sarili? Alam mo marami nang permutations ang isa tao ngayon. Hindi na lang L, o G, o B, o T ang options these days. May I na daw.
JD: Hahaha! Ang dami. Kahit po may pinapakilala, wala naman po akong time. Mas focused ako ngayon dito.
JC: Sure ka na ba talaga? As in final answer, hindi ka bakla? May mga taong nagtatagal sa denial period, ha? Hahaha! Joke lang.
JD: Hahaha!
JC: So sinoshota mo na muna ang manibela. Punas punas. Himas himas. Himas punas. Kiss kiss. Kiskis. Ganorn?
JD: I love driving po talaga. I drive for 15 hours a day. But i work four days a week lang. More quality of life that way. Sa three days I go the gym, dive…
JC: Siguro ang laki ng kita mo sa sipag mo?
JD: I used to earn PHP180,000 to PHP200,000 a month dito sa Uber.
JC: Huwow!
JD: Opo! Malaki ang kita. Lalo na po noon. December pa po ako dito sa Uber. Bumili po ako ng isa pang second-hand na kotse. At ngayon po, itong kotse ko at yung binili ko nakarehistro sa Uber at Grab car ng sabay.
JC: Pwede pala yun?
JD: Inaral ko po kasi. Ang Uber hindi pang masa dahil cashless transaction. Pang may mga credit card. Ang Grab po cash ang bayad so mas pang masa. Mas marami po yung cash magbayad.
JC: Korek!
JD: Pag matumal po sa Uber, I can switch to Grab. Minsan po kasi, with Uber naghahatid ako sa lugar na mahirap na kumuha ng Uber rider din pabalik. Pag ganun po, pwede akong mag switch sa Grab at mamimili ng pasahero pabalik to where the Uber passengers are. Sa Uber po hindi pwedeng mamili ng pasahero. Sa Grab po pwede. 

JC: Ikaw na! Two systems can work for you using the same car. Tinalo mo si Lumen.
JD: Sino si Lumen?
JC: At least hindi lang ako ang hindi mo kilala. Si Lumen yung wais na labandera sa Surf. Pero siya sa isang bareta lang loyal. Ikaw napagsasama mo ang dalawa: Uber at Grab.
JD: Promise po alamin ko po tonight kung sino si Juana Change.
JC: I love you na JD. Sa mga araw na libre ka, andito lang ako ha? Kipintats!

 

DONE READING? SIT BACK, RELAX, WATCH COCONUTS TV

YouTube video

 




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on