Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.
On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, a friend recommends a taxi that lives up to its name.
A dear friend rode a taxi, got the driver’s number and told him to expect my call. She told me na dapat ko siyang ma-experience. At dahil masunurin ako, I called up the driver immediately. Niyaya ko na ring mag lunch sa bahay bago ako nagpahatid sa UP.
Juana C: Richard bakit tinanggal mo pa sapatos mo? Ok lang naman kasi maalikabok ang sahig. Sa taas lang off limits ang shoes sa bahay ko. Halika sa kusina.
(At sumunod si Richard.)
Richard: Ganito po kasi ako sa bahay. Mam, may tsinelas po akong nakita sa may hagdan, pwede ko ba hiramin yun?
JC: Sure sure! Go!
(Pagkasuot niya, nagsandok na ako ng ulam sa mangkok at nanuod sa akin si kuya.)
JC: Nga pala Richard, nilagang baboy ang ulam natin. Kumakain ka naman siguro ng baboy. (At nginitian lang nya ako.)
Richard: Okay lang po ako. Huwag kayo mag-abala.
JC: Hohemgee! Vegetarian ka?
Richard: Nag-iisda pa rin po ako. Pero 50% sa pagkain ko ay raw. For health reasons po.
JC: Idol! You na! Ok ba sa iyo ang bottled na sardinas?
Richard: Ay ok na ok po.
(Pagkakain namin, nauna sya sa akin para buksan na ang aircon ng taxi. At sa pagpasok ko ay nakita ko ang binida ng friend ko sa akin.)
JC: Wowowow!
Richard: Mam, welcome to my garden taxi.
JC: Wapak! Ngayon lang ako nakakita ng taxi na may garden sa loob. Flowers galore. Panalo!
Richard: Gusto ko kasing sorpresahin ang mga sumasakay sa akin.
JC: Success ang surprise factor mo kapatid. Mahilig ka ba talaga sa flowers?
Richard: Pinatotohanan ko lang ang apelyido ko. Basahin po niyo.

JC: Richard Bulaclac! Winner! Ehem. Kuya huwag ka magagalit ha? Derechahan na, bading ka ba?
Richard: May asawa po ako at tatlong anak. May apo na rin po ako, isa.
JC: Uweno naman Richard. Si Jun Encarnacion may anak din.
Richard: Hahaha! Hindi po talaga.
JC: Pero na-experience ka na ng bakla? Aminin!
Richard: Never po.
JC: Kulit ko. Judgemental ako, noh? Pasensya ka na ha? Malisyoso lang talaga ako mag-isip sa kapwa ko minsan. Hehe!
Richard: Ok lang po. Marami nang nagsabi sa akin niyan. Ganito talaga ako. Masaya lang po ako pag gumagaan ang pakiramdam ng mga sumasakay sa taxi ko. Pini-picturan nila ang garden, kinukunan ang taxi ko sa labas at minsan nagpapa-selfie pa kasama ako.
JC: Parang ako. Hehe!

Richard: May mag-asawa nga ho eh, foreigner yung lalaki. Nag-aaway po sila sa labas. Pagpasok nagulat. Natahimik. Tapos naaliw na sa mga bulaklak ko. Maya-maya bati na sila. Yan po ang nagagawa ng mga bulaklak ko.
JC: Tomoh! Surround na surround ang gaan ng feeling dito sa loob ng iyong garden.
Richard: Salamat po!
JC: Ang bait mo kuya. Am sure ang mga pasahero mong nakakaiwan dito ng anything sinosoli mo.
Richard: Lagi po. Nakapagsoli na po ako ng cellphone, wallet na may PHP10,000 at laptop. Hinahanap ko po talaga sila.
JC: Hindi ka sa media pumupunta?
Richard: Hindi po. Para sa cellphone, bumalik po ako ng airport. Sa wallet naghanap ako ng address sa ID at pinuntahan ko. At sa laptop binalikan ko yung opisina kung saan ko sya na-pick-up. May konting abala po pero iniisip ko ang pag-aalala ng mga customer ko. Swerte at nakikita ko naman po sila. At masaya ako.
JC: Lalo na sila. Isa kang alamat Richard. Yan na siguro ang epekto ng mga bukaklak sa iyo. Deadma nang fake ang flowers pero naging mahalimuyak ang iyong pagkatao dahil masaya ka sa trabaho at tunay ka sa iyong pagpapasaya at malasakit sa iyong mga pasahero.
(At may pabaon pa si Richard sa akin. Look.)

O ha! Huwag na nating ipagpilitan. Hindi siya bading. And I believe him. I love you Richard! At sa lahat ng makakabasa nito, wish ko lang na ma-experience nyo si Richard sa kanyang garden taxi.
