Kwentaxi by Juana C: Ekstrador


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, a taxi driver who brings his resumé with him everywhere in case a better job offer comes along.

Juana C: Hohemgee! Anong nangyari sa manibela mo kuya? At ang ilaw mo nakahubo na. Ang mga bintana wala nang hawakan mapa-left o -right.
TD: Durug-durog na nga. ‘Sing bulok na ng taxi na ito ang pag-asa kong umasenso dito sa pagiging taxi drayber. Ekstrador lang ho kasi ako.
JC: Ano yung ekstrador?
TD: Pag may hindi bumiyahe na drayber, ako ang isasalang. Pero dahil mga dalawang daan ang taxi ng kumpanya, kadalasan may open na unit naman.
JC: Iginagarahe na dapat itong taxi na ito. Sobrang luma at bulok na. Sumabog ang air bag nito no? Kaya mukhang na caesarian section.
TD: Haha! May box type pa nga ho kami eh. Mas luma pa dito.
JC: Utang na loob.
TD: Atsaka mahirap maging regular. Ayoko. Regular ako dati eh. Biruin mong pag nasiraan ka ng alas sais ng gabi buo pa rin ang boundary mo. Isipin mo yun. Pano na lang pamilya mo?
JC: Ha? Ganun? Patunay lang na maraming bulok sa unit niyo. Mahina ang maintenance.
TD: Ganun din naman ang mga LRT at MRT ah. Haha!

Taxi Philippines
Ang dome light ng taxi, wala nang takip ang dumi pa (taas). Steering wheel na puro tahi (pinakataas).

JC: Ang lupit naman ng operator mo. Tutal bulok din naman ang ibang transportasyon kaya gumaya na lang siya. Kaya mas gusto mo na lang na maging ekstrador?
TD: Kesa di ako makapag boundary. Mas maganda pa eh. Gaya ko, pwedeng naka coding ang gusto kong ilabas. Ang boundary PHP600 lang. Mas nakaka-boundary ako. Sa walang coding na lugar lang ako bumibiyahe.
JC: Eh di lagi kang namimili ng pasahero? Bulok na nga itong taxi mo, ikaw pa ang namimili ng pasahero. Iba ka rin. Mas gusto mo ang bulok?
TD: Wala pa naman itong 15 years. Mukha itong nabangga na na-total wreck di ba? Hindi naman puputok ang air bag kung hindi mo binangga eh.
JC: Ikaw ba nakabangga nito?
TD: Hindi ha. Hindi naman ito ang lagi kong dala. Nung sampahan ko ito, ganito na. Nakakahiya talaga sa pasahero eh.
JC: Dapat off road na ito. Parang inilalapit ka sa hukay pag dito ka nakasakay. Malaki pa ang posibilidad na masira ito sa kalye o maaksidente. Malaking abala sa trapik, sa pasahero, at sa drayber na naghahanap-buhay. Ilang beses ka sa isang linggo bumiyahe? May pamilya ka ba?
TD: Tatlo o apat na beses ako bumiyahe sa isang linggo. Pero lagi kong dala ang mga credentials ko: Bio-data, NBI, police clearance, barangay clearance…
JC: Bakit?
TD: Para mag apply ako sa iba. Wala nang buhay ang pagtata-taxi eh. Gutom na ang abot ng pamilya ko. Talo kami ng Grab at Uber.
JC: Magkano ba nauuwi mo sa isang araw? 
TD: Maganda na ang biyahe mo sa PHP1,200 sa 24 hours.
JC: Siempre di alam ng amo mo na naghahanap ka ng ibang mapapasukan.
TD: Eh kahit naman niya malaman eh. Ok lang. Talo eh. Gusto ko nang lumipat sa Grab o Uber.

Taxi door Philippines
Wala ring pang bukas ng bintana sa taxi na ito.

JC: May nasakyan akong katulad mo lang dati kung kumita pero ngayon may sariling kotse na. Sabi nga niya, “Ngayon nakaka singhap-singhap na ako sa buhay. Di ko akalaing kaya pala ng isang katulad ko ang bumili ng kotse.”
TD: Sana mangyari din sa akin ang nangyari sa kanya. Tatlo ang anak ko. Kailangan kong umasenso.
JC: Dapat! Baka itong taxi pa na ito ang maging kabaong natin. Ayaw! Bilog naman ang mundo. Iikot din yan para pumabor sa iyo. Sabihin mo sa operator mo na kahihiyan ito ng kumpanya niyo at delikado para sa iyo at sa mga pasahero mo.
TD: Totoo naman. Kaya sana maging drayber na ako ng Grab o Uber.
JC: Tumpak at goodluck!




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on