Kwentaxi by Juana C: Don’t grab our dream


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week: a taxi driver who is benefitting from the ‘sharing economy’ as a Grab taxi driver.

Juana C: Kuya bakit parang tila ata may isinasama ka ng loob?
Grab Driver: Ma’m ngayon pa lang kaming mga mahihirap na drayber nakakasinghap-singhap sa buhay.
JC: Singhap-singhap. Nangangamoy drama ata ang story mo kuya.
GD: Kasi naman ma’m, yung mga mayayaman, lalo na yang mga taga-Valenzuela, yung mararaming pera…
JC: Mayayaman ng Valenzuela? Bulacan? Mga alahera ba yang tinutukoy mo kuya?
GD: May pinasok daw sa Grab na 50 kotse ma’m. Pumutok talaga kasi itong Grab. Balita ko pati sila Kris Aquino at Vice Ganda papasukin na din ang Grab. Marosep!
JC: Totoo ba yan? Baka chismis lang yan, kuya. Pero may mga artistang nag-invest sa mga taxi. As in, fleet ng taxi ang pag-aari nila.
GD: Ngayon pa lang kaming mga driver nakakasinghap-singhap ng medyo masarap na pagkain dahil gumanda ang kita eh.
JC: Gaano kaganda ba ang kita mo kuya?
GD: Biruin mo naman ma’m na nagwi-weekly ako ng PHP35,000.
JC: Weekly? Huwow! Para ka nang executive na nasa manibela. Sa iyo lahat yun?
GD: Sa ngayon, PHP17,500 po akin. Hati kami ng classmate ko. Siya may-ari nitong kotse ma’m.
JC: Bait naman ng classmate mo, 50/50 kayo.
GD: Kaibigan ko kasi. Alam mo ma’m, ngayon dito sa Grab car nakaipon na ako ng kulang-kulang PHP100,000.
JC: Amazing!
GD: Magkaka-kotse na rin ako.
JC: Huwow! Congratulations naman kuya!
GD: Salamat po ma’m. Thank you po.
JC: Anong kotse kinuha mo?
GD: Toyota Vios ma’m. Dapat nga today pero na-delay. Hindi na nga ako makatulog sa pagka-excited eh.
JC: Gets kita kuya at ramdam ko din ang excitement mo. Saya!
GD: At saka hindi lang ako ma’m. Madami nang driver na nakakabili ng sarili nilang kotse ngayon. Dahil sa pagsusumikap namin yan ma’m.
JC: Dati kahit anong sipag walang asenso. Sa Grab may resulta na.
GD: Yes! Hindi ko talaga akalain na kaya ko pala na magkasariling kotse. PHP57,000 ang binayad kong down tapos PHP15,500 ang monthly mam.
JC: Kayang-kaya.
GD: Five years to pay. Kayang-kaya ko talaga ma’m. Kahit pa PHP50,000 lang kita ko sa kada buwan. May sobra pa akong mga PHP35k pang pamilya. May kotse pa ako.
JC: You already!
GD: Ano yun ma’m?
JC: Ikaw na!
GD: Haha! Sa tanang buhay ko bilang taxi driver hindi ko kinita yan. Kadalasan nga four to five thousand a week lang.
JC: Eh pag nakuha mo ang kotse mo, ang PHPP35,000 a week solo mo na. At di pa kailangang beinte-kwatro oras ang pagmamaneho. Panalo!
GD: Dahil sa Grab yan ma’m. Ito ngang week na ito PHP25,000 ang akin dahil PHP50,000 ang kita namin ng classmate ko.
JC: You already!
GD: Ako na nga ma’m. Para bang blessing din itong dumating ang Grab. At saka safety din kami ng pasahero dahil naka-locate kami pareho. Andun ang mukha ng driver, nakikita. May nakausap nga ako na pasahero eh.
JC: Ansave?
GD: Kahit daw walang promo mag-Grab car pa rin siya kasi ang mga taxi driver gusto kinokontrata siya. May nagpapadagdag ng singkwenta. Tapos pag trapik kumakamot pa ng ulo. Kung anu-anong drama.
JC: Haha! Gawain mo yan dati noh?
GD: Haha! Ma’m, dito hindi na kami umaasa sa tip. Tinatangkilik talaga ng tao ang Grab car kasi safety. Pangalawa, magagalang ang drver.
JC: Halos lahat lang kuya. Meron pa ring di masyadong magalang at amoy yosi ang kotse.
GD: Ay, ganun ba ma’m?
JC: Yes po! Pero kapansin-pansin na mas relaxed ang mga Grab car drivers.
GD: Kahit trapik lagi, mas relax na dahil sa kita. Kaso ngayong nadiskubre ng mga mayayaman na maganda itong pagkakitaan, nagkuhaan sila ng maraming kotse.
JC: Nakupow! Eh di lalong trapik? Kung daan-daan ang idadagdag matindi yun. Kita lang ang nakikita. Sana ang perwisyo sa tao ng pagka-dami-daming sasakyan naisip din.
GD: Haha! Advocate ka talaga ma’m.
JC: Dapat malaman ng mga taga Grab ang hinaing mo. Ano ba ang pangalan mo kuya?
GD: Pwede bang huwag na lang ma’m. Sana lang bigyan ng priority ang mga taxi driver na ngayon lang umaasenso sa buhay. Huwag naman sanang payagan ng Grab ang mga mayayamang madiin pa kami. Yung malilit at mahirap na tulad namin sana ang kanilang priority.
JC: Ang mga naghihirap sa pamamasada ang makinabang sa ginhawa ng pamamasada. Haaay! Ang saya ko na may kotse ka na kuya. Grabe!
GD: Grab eh! Ha ha! Kaya ma’m, sana gisingin natin ang Grab.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on