Kwentaxi by Juana C: Dalawang Kain


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she meets a driver, who explains how the PHP10 flag down rollback affects the drivers and their families.

Juana C: Kuya, malaki ba epekto ng pagtanggal ng sampung piso sa flag down mo?
Taxi driver: Mula umaga hanggang ngayon, alas singko na, lahat ng sumakay sa akin nagbawas talaga ng sampung piso sa bayad nila.
JC: Hindi mo inaasahang kukunin pa ng pasahero yung sampu?
TD: Ibig sabihin, lahat ng sumasakay ng taxi alam na yung kaltas. At saka siguro, mahirap talaga buhay madam.
JC: Ako rin, ramdam ko ang hirap ng buhay. Natuwa nga ako sa bawas, eh.
TD: Mahalaga sampu sa inyo. Isipin niyo rin kung ilang sampu nawala sa aming mga taxi driver.
JC: Ang mga pasahero din ho, iniinda ang iba pang tumataas na presyo ng mga pagkain, kuryente, tubig, pasahe, tuition, etc…
TD: Kung sa tatlumpung pasahero sa beinte-kwatro oras kong biyahe, magkano na yun? Mga dalawang kain na yun ng pamilya ko.
JC: Mga 300 yun.
TD: Bigas at ulam namin yun. Biruin mong inalis sa amin, dalawang kain din.
JC: Malaki rin naman ang binaba ng gasolina di ba? May panahong guminhawa din kayo.
TD: Umaakyat baba din naman. Sana kung nakaplasta ang presyo. At saka ang operator, hindi apektado yan. Kami lang.
JC: Pareho pa rin ang boundary?
TD: Oo! Tsaka kahit gusto mong kumayod ng mas matindi para habulin ang 300, kung hindi ka pagagalawin ng trapik, talo ka pa din. Ano bang buhay ito? Dapat pagsisibakin yang mga nakapwestong hindi nakakatulong para solusyunan ang problema ng trapik.
JC: Gusto mo bigyan kita ng itak?
TD: Hahaha! Tawa na lang tayo madam. Buti kaya ng taong tumawa pa rin, ano?
JC: True ka diyan.
TD: Eto pa kamo. Nung isang araw imbes na AM ang pindutin ko sa alarm ko, PM pala napindut ko. Kung hindi kinatok ang bintana ng taxi ko nung kaibigan kong driver sa Shell station, di ako magigising. Pagod siguro ako. Sabi, “Huy pare magliliwanag na.” Yung isang oras ko lang dapat na ipapahinga naging mga halos lima.
JC: Hala! Eh di kinapos sa boundary.
TD: Pinagdudahan pa kamo ako ni misis. Siguro daw nambababae na ako.
JC: Hahaha!
TD: Imbes kasi na isang libo na budget ang ibigay so kanya, PHP300 lang naiabot ko.
JC: At least, naipahinga niyo ang katawan niyong hapo sa trabaho. Anong paliwanag niyo kay misis?
TD: Sabi ko, “PHP600 na babae? Ang mahal naman nun! Kahit si Anne Curtis pa magmakaawa sa akin, Rosa pa rin ako!”
JC: Nakasagot pa si Rosa?
TD: Tawa kamo nang malakas sabay isa pang batok sa akin bago naghain ng paksiw.
JC: Hahaha! Buti na lang talaga marunong tayong tumawa.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on