Kwentaxi by Juana C: Ang tunay na boss

On this series, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, a driver who knows how to count his blessings.

Juana C: Kamusta pasok ng 2016, kuya?
Taxi driver: Ayun, lasing! Ha ha ha! Pinagarahe kasi kami ng maaga. Ayoko sana uminom kaso pagdating ko may mga bisita pala. Mga kamag-anak din. Napatagay hanggag sa nasarapan. Empe Lights lang para di magastos.
JC: Oo naman! Dapat i-celebrate ang bagong dating, 2016! Eh, kamusta naman ang buhay taxi driver kuya?
TD: Trapik pa rin. Yan talaga ang pinakamabigat na kalaban namin. Sana naman magkaroon na ng lunas para bumuti-buti ang kita naming mga driver. Sa pagta-taxi naman kasi, kung masipag at maingat ka, kikita ka naman talaga eh.
JC: Pak! Malasakit sa hanap-buhay!
TD: Hapon ang may-ari ng mga taxi namin. Asawa niya Pilipina. Ok naman sila. Eto magazine mam, oh! Pinamimigay namin yan.
JC: Uy, thank you! Bihira akong makarinig na okey kayo sa kinikita niyo sa pagiging taxi driver. I am happy iba ka. Attitude din yan sa buhay.
TD: Dati kasi nung nasa armor guard ako, ni hindi ako nakaka-ipon. Dati hindi ko pa nasasahod naipangutang ko na. Ngayon kahit papano may konting ipon ako.
JC: Ayus! Mukhang masaya at magaan ka kuya, bakit?
TD: Siguro mam dahil sa bunso ko. Mula nung pinanganak yun mas magaang lahat sa akin.
JC: Magaang na papano? Sinuwerte kayo mula nung dumating siya.
TD: Parang ganun siguro. Apat sila. Yung unang tatlo puro lalaki. Labing-isang taon kong hinintay na magka-anak ng babae. Yun ang tunay na boss ko.
JC: Naku! Siguro spoiled sa iyo, ano?
TD: Ay oo! Pag nagsabi yung uwian ko siya ng mangga o mansanas, hindi ako pwedeng umuwing walang dala kundi yari ako.
JC: Ano ang pangalan? Ilang taon na siya ngayon?
TD: Kristine Joy. Eight years old na. Grade 2. Biyak yun sa pangalan ko atsaka ni misis. Siya kasi Kristina, ako naman Joey. Nagpapakarga pa yun.
JC: Hala!
TD: Sinasabi ko nga na huwag na pakarga kasi malaki na siya.
JC: Ano ang sagot?
TD: Tamad lang daw ako. Ha ha ha! Kahit ako tulog, gigisingin ako nun para humingi ng pera. Humingi na sa akin. Hihingi pa sa nanay niya. Ha ha ha! Maaaliw ka talaga sa kanya.
JC: Ha ha ha! Bata pa napapa-ikot na kayo ni misis. Baka naman mamihasa. Si Kristine Joy ang kaligayahan mo talaga ha?
TD: Buenas yung bata na yun mam. Hindi ko sasabihing may anak na malas. Pero na-obserbahan ko, nung wala pa siya, hindi masyadong umaano yung buhay ko.
JC: Hindi masyadong umaano?
TD: Yung tama lang. Pero nung lumabas siya, lahat magaan para sa akin. Magaan sa trabaho. Magaang ako bumiyahe…
JC: Mas masaya ka?
TD: Oo naman. Sa tutuo lang. Hindi ako makaporma dun. Atsaka singer na dancer pa. Malilibang ka sa kanya.
JC: Si Kristine Joy ang nagsisilbing inspirasyon mo.
TD: Ang sarap nung kapag pagod ka, sasabihin ng nanay niya, “Pagpahingahin mo na ang papa mo.” Sasabihin niya, “Sandali lang ito Ma, kakantahan at sasayawan ko lang muna si Papa.”
JC: Tanggal ang pagod ano?
TD: Tanggal talaga. Yan si Kristine Joy.
JC: Joy ang pangalan niya at joy din ang binibigay niya.




BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
YouTube video
Subscribe on