On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she meets up again with favorite driver Richard Bulaclac who drives a garden-themed taxi around Metro Manila.
Juana C: Kamusta ka na Richard? Lumelevel-up ka kuya ah?
Richard: Hindi naman ma’am. Nagsisikap lang. Hehe!
JC: Kitang-kita ko at ramdam na ramdam.
Richard: Ma’am may sorpresa ako sa iyo bukod pa sa mag-iintrega ako ng bayad ng Kwentaxi. Ubos na kasi ang mga libro. Magre-remit sana ako at o-order ulit.
JC: Sure! Salamat sa pagbebenta mo ng libro ko. Tulong sa aking ekonomiya. Pak!
Richard: Ako nga magpapasalamat sa inyo eh. Ubos na ang mga wallet at pouch, ubos din ang Kwentaxi. Kailangan ko nang bagong display. Pero may isa akong pasahero ninakaw yung isa.
JC: Ninakaw ang Kwentaxi? Walang kwenta siya.
Richard: Ok lang. Dami nang mas magandang nangyari sa akin. Sabi nung isa, “Kuya, ikaw yung napanuod ko ah.” Yung isa naman, “Grabe si kuya ah, daming beses na lumabas sa TV.”
JC: Oo nga. Alam ko na nasa station ID ka ng ABS-CBN with Jericho Rosales. Naks!
Richard: Hehe! Ang bait ni Sir Jericho. Binigyan po ako ng pamasahe pauwi ng Davao. Kaya nabisita ko ang pamilya ko.
JC: Huwow! Daming naging interesadong tumulong sa iyo dahil sa maganda mong kwento at pagkatao
Richard. Madami pang iba di ba?
Richard: He he! May Unang Hirit, May I Juander.
JC: Woohooo! Dapat lang talagang malaman ng mundo ang istorya mo Richard. Kahang-hanga ka. Ikaw lang ang alam kong taxi driver na bukod sa nagtitinda ng libro sa taxi, namumulot pa ng basura na ginagawang mga wallet at bag para makatulong ka din sa iba pang gustong maghanap-buhay. Rockstar ka!
Richard: Ubos nga ang mga wallet at books eh. Masaya ako. Tingala ka na ma’am. Di ba may surprise ako sa iyo? Andyan ang surprise ko. Nag change kasi ako ng design for Valentine.
JC: Aber… (Nag look up ako.) Ang laking puso nito ah.
Richard: Tingnan mo ang letra sa loob ng puso.
JC: Ayun! May letrang… J
Richard: At sa kabila?
JC: Letrang… C
Richard: JC for… Juana Change
JC: Awww! Touched naman ako. Isa kang inspirasyon Richard. Mahal kita. At salamat sa ibidinsyang mahal mo din ako. Pak!
Richard: Salamat po!
JC: Dami mo nang fans? Ano ang sagot mo sa mga nakakakilala sa iyo?
Richard: Pag may nagsasabing napanuod nila ako sa TV, sabi ko, “Ganun po ba? Sayang hindi ko napanuod. Busy po kasi ako sa pagda-drive.” Ha ha ha!
JC: Ha ha ha! You are amazing.
Richard: Ay! Na-belong na pala ako sa Amazing Stories. Pag-sinearch mo yung 200 Amazing Stories number 16 daw ako dun. Yan ang sabi ni Sir Patrick Quintos ng ABS-CBN News Online. Mababasa daw yan sa Google.
JC: You are amazing in sooo many ways. Ano ang fineature nilang amazing story mo?
Richard: Yung binibigay kong free ride every first and last Monday of the month.
JC: Amazing nga! Bakit mo naisipang magbigay ng free ride?
Richard: Di ba dahil kay Ma’am Lyda nakilala ko kayo. Daming nangyari sa akin na maganda mula nuon. Kaya nung naisakay ko siya ulit, bilang pasasalamat, hindi ko siya pinabayad. Dun ko umpisang naisip magbigay ng free rides.
JC: Higit daw pinagpapala ang mga taong marunong magpasalamat.
Richard: Mahalaga ang magpasalamat sa akin. Na-shoot din ang story na ‘yan ng Eat Bulaga.
JC: Pak! Ang ganda-ganda na lalo ng taxi mo Richard. At ang daming bago ah. Progress ang arrive. May electric fan at may… ano ito? Fountain? Aliw!
Richard: Nagtatanong ibang pasahero kung papano ko daw napag konek-konek mga yan. Sabi ko, “Kung nakatapos ako ng pag-aaral, mechanical o electrical engineer sana ako.” Diyan ko na ibinuhos. Wala na kasing trabaho tatay ko nung pa-college na ako eh.
JC: Amazing.
Richard: Sa gitna ng malungkot na mga istorya sa taxi, dito naman, pagsakay sa taxi ko, puro sila natutuwa. Kasi di ba may sinuntok na pasahero na hindi nagbayad sa kontrata. May sinamurai. Dito sa akin positive naman. Natutuwa sila.
JC: Mabuhay ka Richard! Dapat kang ma-experience ng bawat Pilipino para mas madami pa ang ma-inspire mo at ma-relax sa pagsakay dito sa iyong garden taxi.
Richard: Sana nga ma’am! Salamat din po!
JC: Ikaw na ang patuloy sa pagbu-bloom Mr. Richard Bulaclac!
