Kwentaxi by Juana C: Uber ganda babae!


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she orders an Uber car and is picked up by a single mother who recently lost her job in product engineering and believes in making it work!

Juana Change: Ay! Gurlalu na driver. Like. Hello teh!
Uber Driver: Hi ma’am! Good evening po.
JC: Good evening teh. 
UD: Kilala ko po kayo. At saka napanuod ko po movie niyo.
JC: Really? You saw Juana C. the Movie?
UD: Opo!
JC: Teh, ikaw lang ang tanging kilala kong driver na nakapanuod ng movie ko. Ilan kasama mo sa sine nung nanuod ka? Flop kasi iyun sa box office eh. Hehehe! Matagal ka na bang driver?
UD: Bago lang po. Na-lay off po kasi ako sa work nung April 30.
JC: Anong work mo dati?
UD: Product engineer po ako sa isang semiconductor company.
JC: Huwow! Hebigats. Eh di ang laki ng sweldo mo dati?
UD: PHP90,000 po. Kaya ang laki ng pagbabago.
JC: Big change nga. Bakit ka na lay off? May ninenok ka ba? Sinaksak? Jinowa mo ba boss mo at nung sawa na sIya sa Iyo ginawan ka ng kwento para mapatalsik ka? Ano teh? I-share na Iyan.
UD: Ha ha ha! Ma’am bumaba po kasi ang volume ng sales. Hindi na kumuha sa amin yung customer ng produkto.
JC: Owz! Owz I zee! Di ba may redundancy package ka dapat?
UD: Opo pero wala pa rin po eh.
JC: Sana sa lifetime mong ito maibigay.
UD: Naku sana naman po. Bagong kumpanya din po kasi Iyun dito sa Pilipinas. Three years pa lang po ako dun kaya di naman din ganun kalaki. Eh may baby po ako.
JC: Araykupowz! Ilang taon?
UD: Seven months pa lang po.
JC: May asawa ka?
UD: Single mom po.
JC: Immaculate conception? Hehe!
UD: Hiniwalayan ko po. Nananakit yung tatay ng anak ko.
JC: Pakshet! Gago yun ah.
UD: Ang mga pasang binibigay nun sa akin pag ginugulpi ako sa mga parteng tago ng damit para di nakikita. Eh pangalawa na po ito, nakunan na ako nung first baby namin. Tagal ko pong hinintay na magka-anak. Baka mawala pa ulit. Kaya sabi ko sa sarili ko, “Stop na!”
JC: Berigud! Yan ang babae, nagde-disisyon. Sino nag-aalaga ng baby mo ngayon?
UD: Binilin ko po muna. Nakisuyo ako.
JC: Kanino?
UD: Sa kapitbahay ko po.
JC: Nyer! Why sa kapitbahay?
UD: Nahiya din po ako sa maid ko. Habang di ko pa kaya magpasweldo. pinabalik ko muna sa nanay niya.
JC: Laking sakripisyo ano?
UD: Sinabi niyo pa.
JC: Buti hindi ka hinahanap ng bayolenteng ex mo.
UD: Haay! Eh mukhang may anak din ata sa iba. Babaero po kasi talaga. May sinampa po akong kaso sa kanyang violence against women. Hindi ko na lang finollow-up kasi baka habulin pa yung baby ko.
JC: Kapal din naman ng fez niya kung may gana pa siyang guluhin ka eh siya na nga itong violent. Umayos siya noh. Che!
UD: Ha ha ha! Balita ko nga nabalitaan ng parents niya na may apo sila na iba pa. Parang interested yung grandparents sa anak ko.
JC: Anong may apo sila na iba pa?
UD: Actually, may naanakan na po siya dati at yung bata nasa parents niya.
JC: Juicekolord! Kawawang mga magulang.
JC: Buti naisip mong mag-Uber muna.
UD: Kaibigan ko po nag-suggest. Habang naghihintay na matanggap uilt sa trabaho, dito muna. Kaya nga hinahabol ko yung promo na 50 trips hanggang Sunday. Nakaka-32 pa lang po ako.
JC: You gow gow gurl. Kaya mong tapatan ang 90k sa sipag mo.
UD: Sana nga po! Saya din po kasi dami kong nami-meet na taong nakakatuwa sa pag u-Uber ko.
JC: Tulad ng?
UD: May isa po akong customer na nagtataka na kababaeng tao ko daw eh nagda-driver ako. Pinray-over po niya ako.
JC: Wahahaha! Pumayag ka? Ano ginawa mo?
UD: Nakakahiya naman po. Nagmamagandang loob po. Eh di yumuko po.
JC: Hahaha! Gusto mo bang pray over din kita?
UD: Po…
JC: Joke! Ikukwento na lang kita para maging inspirasyon ka ng mga babaeng hiwalay sa asawa, nagugulpi at nawalan ng trabaho. Payag ka?
UD: Sige po! Salamat!
JC: Maganda ka teh, mula loob hanggang labas. Buti na lang for the boys ako! Mabuhay ka!

 

DONE READING? SIT BACK, RELAX, WATCH COCONUTS TV

 

Leave a Reply

Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on
MOST POPULAR