Kwentaxi by Juana C: Tagtuyot at tag-ulan

In this series, Juana Change talks to the person behind the wheel about life in the metro. This week, she bonds with her driver about the punishing weather.

Juana C: Kuya, grabe ang init no
Driver: Ay, sinabi nyo pa. Yung mga 35 to 37 lang ang sakit na sa balat eh. Tagos sa salamin. Luto itlog ko eh.
Juana C: Pareho? Ha ha ha! Hala lagot.
Driver: Hindi na kaya ng aircon pag sobra init.
Juana C: Titindi pa daw ito eh. Aaabot ng mga higit 40. Baka mag-50 pa.
Driver: Nanunuot hanggang buto ang init. Kaya ang lupa grabe ang uhaw. Kawawa ang mga tanim. Hindi naman nila kayang tubigan ang sarili nila. Tayo pwedeng bumili ng tubig, magbukas ng gripo, maligo.
Juana C: Pwede tayong magpayong at saka magtago sa lilim. Mag aircon, electic fan…
Driver: … sa walang-wala pwedeng magpaypay. Eh ang mga tanim? Ang mga puno? Naghihintay yan ng ulan. Ng patubig. Buti nga kalabaw pwedeng lumakad at lumubog sa putikan.
Juana C: Kung basa at malambot ang putik.
Driver: Yun nga lang.
Juana C: Kawawa naman ag mga magsasakang nagprotesta sa Kidapawan.
Driver: Yan yung sa Mindanao po, ano? Kung tutuusin mo yung lugar ng Mindanao hindi nagkakaproblema ng ganyan dati. Napakaganda ng klima duon.
Juana C: Taga saan ka ba kuya?
Driver: Ako, Ilonggo ako. Lumaki din ako sa bundok.
Juana C: Ah talaga? Hindi naman ganito ang init sa bundok nuon di ba?
Driver: Ay malayo. Ibang-iba nuon. Ang init ngayon masakit. Parang masusunog ang balat mo.

(Tapos napadaan kami sa isang MMDA na nagtatrapik sa EDSA na mukhang 300 lbs. Super laki ng nakalaylay na tiyan ni kuya.)

Driver: Kawawa naman yung MMDA oh. Tingnan nyo. Babad na babad ang katawan sa araw.
Juana C: Grabe ang laki ng tiyan ni kuya. Malupit itong hagupit ng araw na ito sa batok niya. Libre kaya ang tubig nila? Dapat may water allowance sila.
Driver: Inom ka ng marami, maiihi ka din ng madalas.
Juana C: Sana mas sa pawis ang labas. Mahirap iwanan ang poste niya. Kinakabahan ako para kay kuya. Ganyan ako kalaki dati eh. Parusa sa akin yung mga panahong yun. Buti ikaw, kuya, balingkinitan.
Driver: Ganito lang talaga palagi ang katawan ko. Grabe ang tagaktak ng pawis nung MMDA. Dios na mahabagin wag po sanang atakihin. Dagdag problema. Kawawa ang pamilya. May nakatawag ng pansin ni kuya.
Driver: Tingnan nyo yung Adventure o, nagbukas na ng bintana ang driver. Hindi siguro kaya ng aircon niya. Mabuti may konting hangin. Juana C: Pag mainit ang panahon hindi ba umiinit ang ulo niyo?
Driver: Ay ako, hindi naman po. Dapat relax lang tayo. Hindi tayo tulad ng ibang driver na nakipag-gitgitan tapos pag nalalampasan lumalabas ng sasakyan at nanghahampas ng tubo.
Juana C: Salamat sa mga CCTV at mga citizen journalist nahuhuli sila sa akto.
Driver: Bakit kasi pinapainit ang ulo?
Juana C: Hindi sila katulad niyo, kahit mainit cool lang.
Driver: Ako pa ba ang magalit na kahit papano may hanapbuhay.
Juana C: Hanggang kailan kaya ang El Niño? Yung magsasaka nga walang masakang lupa at walang makain.
Driver: Kelan kaya lalaya yung mga kinulong? Mahigit 70 sila. May mga buntis pa atsaka nga matatatanda. Tsk tsk tsk!
Juana C: Lalaya yun pag hindi na maiinit ang mga ulo ng mga berdugo.
Driver: Tsk tsk tsk! Hindi tama!
Juana C: Sana lupa lang ang tagtuyot, hindi pati utak.
Driver: Malapit na ang eleksyon. Uulan na.
Juana C: Oo nga, uulan na.
Driver: Uulan na ng pera.



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on