Kwentaxi by Juana C: Style mo bulok

Go (coco)nuts! Share this story with your friends.

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she takes an Uber and gets a driver who relies on her for direction.

Uber Driver: Good afternoon po.
Juana C: Good afternoon po. Game, mama. Male-late na po ako. Yung nauna kong tinawagang Uber iniwan ako. Paglabas ko wala na siya. Nagsabi naman siyang andun na daw siya sa labas ng bahay ko. Jumingle lang naman ako at nagpasok ng gamit sa bag. Matagal ba yun? Weird! Tapos nung tinatwagan ko ayaw na akong sagutin. First day pa naman ng reading ko today sa La Salle. Haaay!
UD: (Deadma) 
JC: Mama. Saan ho kayo dadaan?
UD: Saan ho niyo gusto? 

JC: Basta dun ho sa tingin niyong pinaka iwas trapik para mas mabilis.
UD: Saan ho yun?
JC: Ho? 

UD: Saan ho ang gusto niyong daan?
JC: Kayo na nga ho ang bahala.
UD: Pasahero ho ang pinagdidisisyon namin kung saan niya gustong dumaan.
JC: Kung kabisado niya ang daan. Hindi ho ako magaling sa direksyon.
UD: Baka gusto niyong mag Waze.
JC: Waze? Siguro gumamit na kayo ng Waze dahil sinu-suggest niyo. At sa experience ko ho sa Waze, magpapaikut-ikot tayo at lalo akong tatagal. Ang surge price ko ho sa pagsakay kong ito ay 1.7, mama. Magiging halos doble na ho ang pasahe ko. At kung pumalpak na naman ang Waze ngayon dahil madalas na mangyari yun, magpapa ikut-ikot tayo. At kung lalo tayong tumagal sa pagikut-ikot na yan,  di lalaki pang lalo ang babayaran ko. At ang pinaka masakit pa niyan eh ako pa ang may kasalanan. Ok lang kayo?
UD: Mahirap na hong masisi? 

JC: Mama, hindi naman ako sa Turkeyville nagpapahatid. Yung lugar ho na yan hindi ko aasang alam niyo. Pero bilang driver kayo na naka iPad na pwede niyong gamitin to navigate at sa Taft lang naman ho ang La Salle, baka naman alam niyo kung saan yun. Derechahan na mama, alam niyo ba kung saan ang La Salle? 
UD: Alam ko ho.
JC: Juicecolored!

What could have been short and sweet 20-minute ride took 1.5 hours (bumaba na ako sa Estrada at naglakad dahli sinara ang Taft for the rehearsal of Pope’s coming). My Uber fare, which could have just been around PHP150, became PHP400. Bow!

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
Uber Papa, Juana C orders an Uber and gets a dreamboat driver
Huwag kang gago, Juana C teaches a wily taxi driver a lesson he’ll never forget
Soria, Juana C meets the taxi driver from hell
Kaerus, Juana C meets a taxi driver who lucks out with his youngest child
 

Want to read more? Scroll down and click the ‘next post’ button. 



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on