Kwentaxi by Juana C: Sa ikagagaang ng loob

On this series, Juana Change talks to folks behind the wheel about life in the metro. This week she is reunited with the Uber driver who opened up to her about his sexual past.

Juana C: OMG! It’s you again, kuya? Hellowowow!
Driver: Hello ulit ma’am!
JC: Hindi man lang kita na-miss. Ha ha ha! Parang mga two weeks ago lang yung hagalpakan natin with Bernardo Bernardo ah. Enjoy na enjoy ako sa pagsusulat ng kwento mo. Salamat sa sharing. Yun ang pinakamahaba at pinakabold na Kwentaxi ever, kuya.
Driver: Talaga ba ma’am? Hindi niyo naman ako pinangalanan di ba?
JC: Naka all caps nga eh. Joke joke joke!
Driver & JC: Bwa ha ha ha ha!
Driver: Tiwala naman ako sa inyo ma’am. Ma’am may sasabihin ako sa inyo.
JC: Nami-miss mo ang iyong nakaraan. Tama? Napagtantu mong for the boys ka talaga. Yes? Uuuuuy… Aminin!
Driver: Ha ha ha! Hindi naman po. Ay teka, asan po pala si Sir Bernie?
JC: Nasa Germany ang lola mo. Yung pelikula nila ni Lav Diaz na Hele sa Hiwagang Hapis nanalo ng Silver Bear Award sa Berlin Film Festival.
Driver: Wow!
JC: Husay ano? Galing! Fan ako talaga ni Lav Diaz.
Driver: Ma’am mabalik ako.
JC: Ay sorry. Ano ba yang gusto mong sabihin? Serious ata ah.
Driver: Ma’am, umaabot din sa mag-asawa yung hindi na sila intimate di ba?
JC: Dami kong kilalang mga ganyan. Halos wala nang sex. Companionship na lang pero lubos pa rin ang pagmamahal sa isa’t-isa.
Driver: Gusto ko kasing magkakilala kami ng husto ng misis ko sa pamamagitan ng pagkukwento ng buong buhay ko bago ako matigok.
JC: Hmmm..
Driver: Malapit na eh. 52 na ako.
JC: Over. Bata pa tayo. Si Bernie pa. Yun! Hahaha! Palibhasa wala dito. Pareho pala tayo ng edad?
Driver: Si misis din sa akin. Gusto kong magkwento siya sa akin ng buong buhay niya.
JC: Ano ba ang dahilan at gusto mong magkwento ng nakaraan mo kay misis?
Driver: Sa tingin ko kasi malaki ang igagaang ng loob ko kung masasabi ko kay misis ang tunay kong pagkatao.
JC: Ang serious! Chill lang kuya. Are you sure? Gusto mong malaman ni misis na marami kang napaligayang lalaki na ikinaligaya mo din?
Driver: Gusto kong malaman niya. Masama ba?
JC: Kuya, matanong kita, paano kung ang katotohanang ikagagaang ng loob mo ay ikabigat ng loob ni misis pag nalaman niya ang totoo? Sasabihin mo pa rin ba?
Driver: Oo nga ano? Parang hindi ko ata naisip yan.
JC: Kuya, malayong nakaraan na yun. Baka ikagulo ng relasyon niyong mag-asawa at kung anu-ano pa ang pumask sa isip ni misis. Di ba?
Driver: Kung sabagay may katwiran ka.
JC: Hmmm… Teka… Kung napaka halaga sa iyo baka pwede ka rin sigurong mag-umpisa sa tanong? Alamin mo kung mahalaga pa ba sa kanyang malaman ang nakaraan mo. Pero huwag ka masyadong serious sa paglatag mo kuya ha? Baka ika-praning ni misis.
Driver: Okay.
JC: At pwede ring sabihin niyang OK lang na sabihin mo pero pag nalaman niya eh hindi pala ok. At mapa-tumbling siya. May consequence yan ha? At baka hindi lang sa inyong mag-asawa. Sana hindi na mabuksan pa sa mga bata.
Driver: Ay! Hindi na nga ata dapat.
JC: Kuya, hindi kita sa tinatakot ha? Gusto ko lang na maisip mo na ang mga pwedeng maging posibilidad ng gagawin mo para mapaghandaan mo.
Driver: Thank you, thank you.
JC: OK ka lang ba, kuya?
Driver: Napapa-isip pero OK! 
JC: OK! Ako, I love your stories. Salamat sa pag-share sa akin.
Driver: Pasalamat nga ako sa inyo ni Sir Bernie eh. Nailabas ko sa inyo.
JC: Sa amin OK. Pero iba-iba tayo ng kahandaan.
(Ang lalim ng buntong-hininga ni kuya.)
JC: Dating gawi kuya ha? Ang kwento mo ay walang mukha at pangalan.
Driver: Yes, please. Salamat. Nga pala, naikwento kita sa wife ko. Kilala ka pala niya.
JC: Uy! Gusto mo ako na lang magkwento sa kanya? Ha ha ha! Joke lang!
Driver: Ha ha ha! Hanggang sa susunod pa nating kwentuhan Ma’am Juana.
JC: Naman!



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on