Kwentaxi by Juana C: Lahat tayo pwedeng magbago

On this series, Juana Change talks to folks behind the wheel about life in the metro. This week she is reunited with the Uber driver who tried to worm his way of a traffic ticket by putting the blame on her. 

Pinagtagpong muli ang landas namin ng Uber driver na si Belvar. Siya ang lokong nag U-turn sa No U-turn sign at nagsabi pa sa MAPSA na pinahahatid daw ako sa kanya ni Sir sa aking appointment, as if amo niya ako. Sinungaling! At sa pangalang binitawan ay walang nagawa ang mga MAPSA (na wala ring mga bayag) kundi isoli sa kanya ang kanyang lisensya. Haaay!

Laking inis ko nang araw na iyon. Kaya nagulat ako nang makita ko na ang susundo sa akin sa hapong iyon ay si Belvar Gagong Uber. Yan ang ng pangalan niya sa aking contacts. The return of the come back. Hmp!

Inhale…. Exhale…. Pagpasok na pagpasok ko sa sasakyan niya…

Belvar: Hi Ma’am Juana!
Juana Change: Aba aba aba! Ikaw nga! Ang pasaway na driver.
Belvar: Ma’am kapit-bahay kasi namin yung MAPSA. Pumunta sa amin. Alam kasi nila na nag-report ka.
JC: O ngayon?
Belvar: Pati sa Uber pinagsabihan ako.
JC: Anong sinabi?
Belvar: Sabi, “Huwag mo nang ulitin yun kasi si Ma’am Juana Change yun!
JC: Yun ang sinabi ng Uber? Toink! Tama ba yun? Kahit na sino pa ang sakay mo, dapat umayos ka. Hello! May iba pa bang disciplinary action na ginawa sa iyo?
Belvar: Yun lang. Pinagsabihan ako. Nag-sorry nga ako sa iyo sa Facebook eh. Di mo ba nakita?
JC: Saan? Aling Facebook account? Sa Uber?
Belvar: Sa Uber ba yun? Basta nag-sorry ako dun.
JC: Labo mo chong! Bakit sa Facebook mo pa pinadaan eh alam mo naman ang number ko. Di ba mas sigurado kang makakarating sa akin yun kung tinext mo na lang ang sorry mo sa cellphone ko? Echingerong froglet ka din eh.
Belvar: Yung iba nga ring na-post hindi namin mabasa eh.
JC: Ha ha ha! Charowt!
Belvar: Maraming may kakilala sa iyo eh.
JC: Nabasa mo ba yung sinulat ko tungkol sa kagaguhan mo?
Belvar: Hindi eh. Pero may pasaherong nagsabi sa akin na ni-report daw ako ni Juana Change. Pinakita niya yung pinost mo.
JC: Pinakita sa iyo yung Kwentaxi?
Belvar: Kwentaxi ba yun? Yung mga pasahero kasi nakakakita ng mga pino-post mo. Pinakita yung pinicture-an mo ako.
JC: Kwentaxi nga yun. Dahil sinigurado kong makunan kita bago ako bumaba. Sana nagbago ka na.
Belvar: Ma’am mabait naman ako talaga. Nagkamali lang ako nuon. Sa may bumbero yun di ba?
JC: Oh kita mo, naaalala mo kung saan mo ginawa ang kalokohan mo. (Biglang nag sign of the cross si Belvar nung mapadaan kami sa simbahan.) 
JC: Naks! Sign of the cross talaga?
Belvar: Katoliko naman ako talaga.
JC: Eh di sana nagamit mo pagka-Katoliko mo sa di pagyu U-turn sa No U-turn sign. Katoliko ka sanang hindi nagpagpapalusot sa MAPSA at nagbibitaw ng pangalan para di mahuli.
Belvar: MAPSA lang din yung binigay kong pangalan ma’am.
JC: Oh sige mangatwiran ka pa. Palakasan pa din yun.
Belvar: Alam mo bang malapit lang bahay ko sa bahay mo ma’am.
JC: Dapat ko bang ikatuwa yan?
Belvar: Makati tayo pareho. Tsaka ma’am, alam mo ba na ang binigay kong rating sa iyo 5?
JC: O ngayon? May utang na loob pa ako sa iyo? Che! Ako, ang binigay ko sa iyo 1. Walang zero eh.
Belvar: Ma’am siguro masasakay pa kita.
JC: Basta ba maayos ang pagmamaneho mo at hindi mo na ako bibigyan ng stress eh.
Belvar: Yes ma’am!
JC: Lahat tayo pwedeng magbago, Belvar. O siya, para sa tabi. Hanggang sa muli nating pagtatagpo.
Belvar: Iaayos ko pagtabi ma’am.
JC: Naks! Ayos! Ano kaya ibibigay kong rating sa iyo?
Belvar: Ingat! Thank you ma’am!



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on