​Kwentaxi by Juana C: Kapit pa more JC


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she reunites with JC, the female Uber driver whose story got a lot of positive response from Coconuts Manila readers. 

Ang istorya ng Uber driver na si JC ay istorya ng bait, tapang at pagpupursigi ng isang Pinoy na nanay. Ito ay sampol din ng kultura natin ng pakikipag-kapwa: whether ito ay pangingialam to help o simpleng pagiging chismosa lang. May powers talaga ang social media. At tulad sa isang sasakyan, gumugulong ang chika ng kanyang pakikipagsapalaran sa tinatawag nating Life. Basa!

Juana C: Kamusta ka na gurrrl?
JC: Mabuti po. Nakadalawang interview na po ako salamat sa inilabas niyong istorya ko.
Juana C: Uy bongga!
JC: Salamat po talaga. Si Jinx po na make-up artist niyo sa Juana C. the Movie ang unang nagsabi sa akin na may nabasa daw sya online. Kwento daw tungkol sa akin. Hehe! Classmate ko po kasi siya.
Juana C: Ang liit lang talaga ng mundo.
JC: Kaya pala ang dami kong tawag at messages.
Juana C: Malay ba naman natin di ba? Shinare ko lang naman ang kwentuhan natin. Biruin mong mahigit 3,000 shares na ang story mo and growing pa every day.
JC: Yung mabait na legal counsel ng Intel na dati ko pong pinagtatrabahuhan bago nagsara, eh na-tense po ata sa nabasa niya. Gumawa tuloy ng FB blast sa kilala niyang mga managers para tulungan ako. Kaya ayun po, ne-set-up ang aking mga interview. At may mga naka line-up pa.
Juana C: Mabuhay yang si mother legal counsel na yan. Kinareer ang pagtulong sa iyo.
JC: Mabait po talaga yun. Yun namang mga kasama ko sa Uber hindi makapaniwalang sa pagka-cheerful ko eh babae pala akong nabugbog.
Juana C: Mas malaki ang karga, mas malaki ang effort bumibo. Parang hotdog lang. Hehe! May shock factor naman kasi talaga ang story ng violence against women. Lalo na yung sa iyo kasi may mukha mo.
JC: Nga po pala, ang Regional Trial Court ng Parañaque nagpadala na sa akin ng notice na may sapat daw po na evidence akong naipakita para sampahan ng kaso ang tatay ng anak ko.
Juana C: Anong feeling?
JC: Siempre po may kaba pero nilalakasan ko ang loob ko.
Juana C: Pag naging success ka diyan, lalakas ang loob ng iba pang tulad mo.
JC: Yan din nga po iniisip ko. Para din ito sa ibang mga kapwa ko babae na inaabuso pero takot na lumabas.
Juana C: Actually, alam mo bang pati ako eh nagulat nung pumayag ka na isulat ko ito. Natuwa ako siyempre pero malaki ang pwedeng epekto sa iyo. Amimin!
JC: Pati po sa samahan naming South PiNanays (SPiN) may epekto. Naging very concerned sila.
Juana C: Yan naman ang gusto nating epek-positibo. Kaya alam mo inspirasyon ka talaga sa iyong tapang at sipag. Isa kang rockstar of a woman.
JC: Buti na rin po pala um-oo ako sa inyo.
Juana C: Naman! Hangkyot ng name niyong PiNanays. Lovett! Ano ang ginagawa nyo?
JC: Nagtuturo po kami sa mga nanay nang tamang pag-aalaga, pagpapakain at pag hakab sa mga babies.
Juana C: Hakab? Ano yan? Never heard that in my life. Alam ko lang hikab.
JC: Ang pag hakab po ay ang tamang pag-breast feed.
Juana C: Hakab na! Pwedeng movie yan. Hehe!
JC: Nagbibigay din kami ng seminars sa mga yaya. And we promote the use of cloth diapers at babywearing?
Juana C: Ano naman yang babywearing?
JC: Yung pagbuhat po sa mga bata gamit ang cloth na ginagawa ng mga Ifugao.
Juana C: Ah yung nilalagay sa dibdib ang bata na nakayakap ng tela.
JC: Yun nga po.
Juana C: Ayos yang advocacy niyo ah. Padayon! JC, usually ang magandang story laging may kumokontra.
JC: May nagsasabi nga po na papansin lang daw po ako.
Juana C: Ayan na! Wala sigurong anak yun na sing kyut ng anak mo. O kaya iniwan ng jowa iyan lately. Sa totoo lang ha, walang nakakapag-pakalma sa mga taong sagad sa DNA ang pagka nega. Ang dapat sa mga yan dine-deadma.
JC: Nasasaktan din po ako dahil tao lang. Pero sa dami ng suporta ko at pagmamahal galing sa mga pamilya, kaibigan at ngayon kahit sa di ko kakilala, susundin kita ma’am. De-deadmahin ko sila.
Juana C: Attagirl!
JC: Ang kapatid ko lang ho medyo worried para sa aming mag-ina kasi lumalabas sa social media ang kwento. Alam niyo na. May kaya po ang pamilya nila. Worried kami para sa baby ko. Ang lahat naman ho ng mga paghihirap ko ay para sa kanya.
Juana C: Walang nagagawa ang worry bukod sa gawing worried ka. And besides, may isa pang JC sa pangkalawakan na nagbabantay sa iyo, sa baby mo, sa pamilya mo at sa moves ng ama ng bata. Sa JC na yan, kapit pa more. At marami kang kasangga ngayon.
JC: Salamat po ulit. 
Juana C: Teka, kamusta pala yung birthday mo? Binati kita sa FB. Nagpa-pancit ka ba? (Biglang di nakasagot si JC. Hala! At biglang gumaralgal ang boses at kahit pinipigil ay di nakayanan at napa-iyak.)
JC: Akala ko ho talaga kapatid at tatay ko lang babati sa akin nung birthday ko. Grabe ho ang dami ng mga greetings. Nakaka-iyak po talaga.
Juana C: Sobra ba ang pagka-hipo sa iyo. Super touched? Hehehe! Akala ko tuloy may masama kang karanasan sa pancit na nung nabanggit ko eh, na-trigger sa iyong ala-ala kaya ka naiyak.
JC: Sorry po! At salamat po ulit.
Juana C: Paulit-ulit? Walang inuman? Next time may drinks at BBQ na tayo sa kamay pag-nagchikahan tayo ha?
JC: Sure po!
Juana C: Ramdam kong malapit ka nang bumitaw sa manibela. Meanwhile, ingat ka lagi sa pagmamaneho Engr. JC!

 

Done reading? Sit back, relax and watch Coconuts TV:

 

 

Subscribe to The Coconuts Podcast

Leave a Reply

Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on
MOST POPULAR